CHAPTER 37 : Your body

44 0 0
                                        

Azriel

"How's Yhara?" Pagtawag ko kay Leo na pinagbantay ko kay Yhara.

I wanna check if my little love is sad being alone tonight. But I think she's enjoying herself by the news I heard just now.

"Oh.. so she's having fun with her friend without telling me." I bet it's already her plan since I told her that I won't be back tonight.

"Kakauwi lang nila galing sa obstetrics and gynecology clinic, Mr. Milton. Mukhang nagdadalang tao na si Miss Camille kaya sinamahan siya si Mrs. Milton." Muling saad ni Leo mula sa kabilang linya.

"It's good, but I'm expecting it to be Yhara. Don't let your guard down, make sure my wife is safe till I see her tomorrow." I said before cutting the line.

"Mr. Milton, another letter delivered to our front desk." My assistant said, handing me a red envelope again.

Alam ko kung kanino ito galing at kung ano ang laman nito. Mr. Jabian, of course, another threat.

"Locate the sender, make sure to capture this bastard. He's fucking getting on my nerves these days." My assistant just nod her head before closing the door shut.

Palapit na ng palapit ang time na sinasabi ni Mom. I don't want to give it a fuck, but to know that she's joining forces with Mr. Jabian just to accomplish want they want. Damn! I don't know what to do anymore, I can't promise that mom will not left hurt at the end.

"Hey baby, where are you?" I immediately asked her in a low voice. I'm too tired today and just want to hear her angelic voice.

"Ahm..." She's hesitating 'cause she know she didn't ask me first before going outside.

"Say it, I won't be mad." I said leaning my head back in my leather swivel chair.

"Sa a-apartment ni Camille. Sorry hindi ako nagpaalam." Her angelic voice echoing from the other line.

"You're in the restroom?" I ask.

"Send a picture of yourself, I wanna see you and your body." My voice being husky because of too much work.

"What a pervert man. Go get your toys if you're really that horny, hmp!" After that she ended the call. Her reaction made me laugh and forget about what was on my mind for a second.

Yhara

That perverted man never fails to irritate me. Kakasabi ko lang na nasa apartment ako ni Camille tapos gusto pang magpicture ako para sakanya. Humanda talaga siya sakin pag uwi ko, hmph!

"Yhara, tapos ko ng linisin yung kwarto" Bungad na sabi ni Camille pagbukas ko ng pinto ng cr.

"Ah sige, susunod na ako." Sagot ko naman bago sumunod sakanya sa kwarto. Tabi kaming matutulog dahil may balak kami na magchikahan muna hanggang sa makatulog kami.

"Pa'no kung nagkababy din kayo ni Azriel, pa'no mo sasabihin sakaniya?" Tanong niya. Bigla naman akong napa-isip sa tanong niyang iyon.

"Baka i-surprise ko siya or hahayaan ko siya na malaman nalang bigla dahil sa mga pregnancy signs?" Natatawa-tawang turan ko dahil hindi pa talaga sumasagi sa isipan ko ang mga posibilidad na 'yon, lalo na ngayon parang unti-unti ng nawawalan ng oras sakin si Azriel.

"Sigurado akong matutuwa 'yon kung sakali mang magkababy nga kayo." Kita ko ang lungkot na bumabalot sa mukha niya habang sinasabi iyon kaya agad akong lumapit sakanya para yakapin siya.

"Baka kailangan niyo lang ng panahon ni Sir Yohan. Kapag nalaman niya yang tungkol sa baby niyo, for sure matanggap niya din paunti-unti." Turan ko. Marahan naman siyang umiling-iling sa sinabi ko kaya wala na'kong nagawa kundi ang bumuntong hininga nalang at tumingin sa kisame.

Paggising ng araw ay nagising nadin ako. Kailangan kong umuwi ng maaga para salubungin si Azriel, hindi pa naman ako nagpaalam sakanya at inaway ko pa siya kagabi, kasalanan niya din naman dahil sa kaharutan niya.

"Tawagan mo agad ako kapag may kailangan ka or may nararamdaman kang hindi maganda. Okay?" Sabi ko kay Camille, tumango naman siya biglang sagot kaya agad ko na siyang niyakap at nagpaalam na.

_____________

"Ay anak ng palakang nanganak!" Gulantang na sabi ko ng makitang nakasandal si Azriel sa may pintuan.

"I've been waiting for you." Seryosong sabi niya.

'Jusko, Mukhang malalagot na talaga ako ngayon.'

"N-nagbreakfast pa kami ni Camille kaya ako natagalan." Walang emosyong saad ko bago nagdire-diretso sa loob ng bahay.

"Hey, what's with that attitude little woman? I'm talking to you." Saad niya, na halatang hindi nagustuhan ang inasal ko.

'Well, kasalanan niya naman iyon simula pa kahapon ng iwan niya ko mag-isa, hmp!.'

"Come here," Muling sabi niya ng dedmahin ko lang siya.

"Magshoshower na'ko." Palusot kong sabi bago dali-daling naglakad papunta sa hagdan patungo sa kwarto namin.

Ngunit unang hakbang ko palang sa hagdan ay naramdaman ko na agad ang malakas na brasong pumulupot sa tiyan ko at binuhat ako papalayo sa hagdan.

"Are you still mad baby? I'm just kidding last night. I miss you..."

"I'm dying to see you, to hug you, to kiss you, and.... to have you near me." Rinig kong sabi niya sa tenga ko habang hindi padin inaalis ang pagkakayakap sa bewang ko.

Unti-unti naman ako humarap sakaniya bago hawakan ang magkabilaang pisnge niya.

"Gotcha! Plano ko pa namang i-prank ka, kaso nahuli mo agad yung kiliti ko." Natatawa-tawang turan ko habang nakatingin sa maamo niyang mukha.

Para namang huminto ang mundo namin ng hindi siya kumibo at ngumiti lang habang nakatingin sa mga mata ko, na para bang ninanamnam ang masasaya naming sandali.

"I love you." I heard him say.

"You're the most beautiful, gentle and precious thing I've got. I am willing to risk all I have, and all my life just to make sure you won't leave my side. Just for you to stay with me, forever." Pagdugtong niya pa. Kita ko ang saya at lungkot sa mga mata niya, ngunit hindi ko alam kung saan nanggagaling ang lungkot na iyon.

"I'm not going to leave Azriel, I will never leave your side, forever." Balik kong sabi ng may pagsisigurado sa tono.

'Hangga't wala akong rason para iwan ka, hinding-hindi ako aalis sa tabi mo Azriel. Kakapit ako hanggang sa ikaw na mismo ang tumulak sa'kin papalayo.'

"I love you too." Ngiting sabi ko bago siya yakapin. Ramdam ko ang paghigpit ng yakap niya sa bewang ko kaya mas lalo akong tumingkayad para mas mayakap pa siya, nang bigla niya akong iangat at naglakad patungo sa hagdan paakyat.

























Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dominated by Azriel MiltonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon