CHAPTER 36 : Another revelation

18 1 0
                                        

Yhara

Nagising ako hindi dahil sa sinag ng araw, kundi dahil sa labing patuloy na humahalik sa balikat ko paangat sa labi ko. Agad kong iminulat ang mga mata ko dahil nakikiliti na 'ko sa ginagawa niya.

"Good morning to this beautiful good girl I have here." He sweetly said, still kissing me.

"Inaantok pa 'ko bat ba ang aga mo manggising?!" Kunyari kong inis na tanong. Tinaasan niya naman ako ng kilay bago may kihuna sa gilid niya.

"W-whoa!" Mangha kong sambit at agad na napabalikwas ng upo para pagmasdan ang ipinatong niya sa kama.

Isang malawak na bed table na punong-puno ng mga paborito ko. Nandito lahat ng sweets na gusto ko, maging ang pagkaing kinain ko sa hotel na pinag-stayan namin dati kung saan may ini-abot siyang gatas sa akin at galit na galit ako sakanya dahil sa ginawa niyang pagkidnap sa akin.

"Nasa langit na ba ako?" Hindi makapaniwala kong sambit ng tikman ang isa sa mga paborito kong pagkain.

"Hey, baby. Eat slowly, no one's gonna snatch your food." Natatawa-tawang turan ni Azriel ng tuloy-tuloy kong sunggaban ang mga pagkaing nagpapatakam sa akin.

"Try this." Sabi ko sabay subo sa kanya ng crinkles na isa sa mga paborito ko.

"Hmm, it's delicious, it melts in my mouth." Pagsang-ayon niya sa masarap na pagkaing isinubo ko sa kanya.

"I have a business to finish today and I think I will not be able to make it tonight, will you be okay here alone?" Basag niya sa tahimik at masaya kong pagkain.

'Kaya naman pala nakahain lahat ng paborito ko, pang-suhol. As if naman may magagawa ako diba.'

"So bukas ka pa makakabalik?" Malungkot na turan ko na parang batang nagtatampo.

"Yes." Maikling sagot niya na lalong nagpalungkot sa akin.

"Hmm, okay." Tipid na sagot ko bago muling isubo ang pagkaing nasa harapan ko.

_____________

Nakaalis na si Azriel kaya naisip kong maligo na dahil balak kong pumunta sa mall para gumala, nang marinig kong tumutunog ang cellphone ko na nakapatong sa cabinet na nandito sa cr.

"Yhara?" Boses ni Camille sa kabilang linya.

Agad ko namang binalot ang buhok ko gamit ang towel na nakapatong din sa cabinet bago sumagot kay Camille na nasa kabilang linya.

"Yes? Napatawag ka Camille?" Sagot ko.

"Oh, ahm.. free ka ba ngayong gabi?" Muling sabi niya na agad ko din namang sinagot.

"Oo naman, ano bang meron? Mukhang ang seryoso mo ngayon, may nangyari ba?" Nag-uumpisa na akong mag-alala ng matagalan siya bago muling magsalita.

"Pwede ka bang pumunta sa apartment ko?" Ramdam ko ang kaba sa boses niya habang nagsasalita.

"I'm free right now, pupunta na'ko." Mandaling sabi ko bago dali-daling pinatay ang tawag at nagbihis na para maka-alis.

Nang makarating na 'ko sa apartment ni Camille ay agad akong kumatok sa pinto niya, at doon sinalubong ako ni Camille. May bakas ng pag-aalala ang mukha niya ng papasukin niya ako sa loob at paupuin sa sofa.

"Kanina pa kita napapansin Camille, anong bang nangyayari sayo? May problema ba?" Sunod-sunod na tanong ko ng hawakan ko siya sa balikat.

"A-ano kasi Yhara.. Ahm.." Panimula niya.

"What? Pinapakaba mo na ako." Alalang turan ko habang seryoso paring nakatuon sa kanya.

"B-buntis ata ako." Nakapikit na sabi niya bago dahan-dahang dumilat para tignan ang reaksyon ko sa sinabi niya.

"H-how?" Hindi makapaniwalang sabi ko habang nakatakip ang mga kamay sa labi.

"T-three weeks ago. Pinapunta ako ni Sir Yohan sa bahay niya para I-deliver y-yung new formula ng alak na dineliver sa resto-bar. H-hindi ko alam na lasing pala siya nung gabing yun kaya... N-nagising nalang ako sa tabi niya kinabukasan. Yhara.. w-we didn't use protection." Ang kaninang nanginginig niyang boses ay bumigay na. Agad ko naman siyang hinigit para yakapin at patahanin sa pag-iyak.

"Nagpregnancy test kana ba? Nagpacheck-up? Alam na ba ni Sir Yohan?" Sunod-sunod na tanong ko muli habang naghihintay sa sagot niya.

"Hindi, U-umalis ako bago pa siya magising." Pag-iling niya.

"Anong gagawin ko Yhara? Hindi pa'ko handa. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba? Hindi ko na alam ang gagawin." Muling pag-iyak niya.

"Let's go to the hospital first. Kailangan muna nating linawin kung buntis ka ba talaga, bago natin isipin ang next step mo, okay?" Pagsasabi ko na tinanguhan niya naman.

Agad kaming pumunta sa pinaka malapit na obstetrics and gynecology clinic para malaman kung tama nga ba ang hinala ni Camille.

"The results are out." Bungad ni Doctora ng makapasok na muli kami sa loob.

"A-ano pong result, doc?" Tanong ko habang hawak ang kamay ni Camille na ngayon ay nanginginig na dahil sa kaba.

"Congratulations, Miss Camille. You're three weeks pregnant." Masayang bati ni doc sabay abot ng result sa amin. Hindi makapaniwalang inabot naman iyon ni Camille bago muling suriin ang detalye.

"Y-yhara..." Naluluhang sabi ni Camille habang nakatingin sa mga mata ko. Habang nakatingin sakanya ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko at agad siyang niyakap.

"It's okay, sweetie. I'm here, don't be scared." Pagtapik ko sa likod niya habang pinapakalma siya.

'Pero kahit ako sa sarili ko, hindi ko matulungang kumalma.'

"Ano ng g-gagawin ko, h-hindi pa'ko handa.." Hagulgol niya sa'kin habang nakasandal parin sa balikat ko.

"May plano ka bang ipaalam 'to kay Sir Yohan? May karapatan siyang malaman, Camille." Alalang sabi ko habang hawak ang magkabilaan niyang balikat.

Umiling-Iling naman siya bago nagsalita.

"Hindi niya ko matatanggap Yhara, sa dami ng babaeng pumupunta sa resto para i-entertain siya. Sigurado akong hindi lang ako yung nabuntis niya. Nakita ko kung paano lumuhod at magmakaawa yung mga babaeng 'yon sakanya Yhara, ayokong maging isa sakanila." Saad niya na lalong nag-alis ng pag-asa niya.

"Ano ng balak mo ngayon? Kailangan mong pag-isipang maigi ang magiging desisyon mo. May buhay ng nakasasalay ngayon sayo."

"Gusto kong magpakalayo, Yhara. Gusto ko ng bagong simula, ayokong matulad sakin yung magiging baby ko." Turan niya bago hinaplos ang tiyan niya.

Hindi pa nagpapakita ang baby bump niya pero masaya akong makita na gusto niyang maging malakas para sa bagong buhay na umaasa sakaniya.

Pagkatapos namin sa clinic ay bumalik din naman kaming agad sa apartment ni Camille. Napagdesisyunan kong sa apartment niya muna mag-stay ngayong gabi dahil wala din naman si Azriel sa bahay, para kahit papaano ay may makakasama ako at maaalagaan ko din si Camille lalo na ngayong mag-uumpisa na ulit siya kasama ang bagong buhay na nasa loob niya.




















Dominated by Azriel MiltonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon