CHAPTER 29 : Business meeting

200 8 2
                                        

Matapos ang ilang araw na kasama ko si Azriel ay mas napagtanto ko na hindi naman pala siya mahirap mahalin.

I've already fallen for him, and as day goes by, I’m falling deeper and deeper.

I got to learn that he is the guy who wants to cuddle most of the time and have the sweetest moment with me in any possible way. I know he is not a gentleman sometimes, but he’s a caring and kind man to me...

And at most, he’s the man who’s willing to make an effort for the person he loves.

*****

Ngayong araw ay ang uwi ni Azriel galing sa business meeting na inattendan niya. Kaninang umaga ay sinabihan niya akong may pupuntahan pa siya ngayong gabi, kaya't baka late na siyang makakauwi at hinabilin din na wag ko na siyang hintayin at mauna ng matulog.

Pero dahil miss ko na siya at nasanay na akong matulog na katabi siya ay maghihintay ako, actually hindi ko din alam kung paano ako nakatulog sa mga gabi na hindi ko siya kasama.

3am na ng madaling araw pero wala pa rin akong naririnig na makina ng kotse sa labas.

Nag-aalala na ako sa mga oras na ito dahil hindi naman siya umuuwi ng ganitong oras kahit na gaano pa kaimportante ang meeting niya.

Tulog na sila Mary at Mila kaya ako nalang mag-isa ang nandito sa sala habang nakabukas ang TV. Hindi ako mapakali kakatingin sa orasan dahil malapit ng mag-alas kwatro at wala parin si Azriel. Ni hindi manlang ako tinatamaan ng antok dahil sa sobrang pag-aalala.

Bigla namang napantig ang tainga ko ng biglang tumunog ng malakas ang cellphone na nasa center table. Agad kong tiningnan kung sino ang caller nito at agad na sinagot iyon ng makitang si Azriel ang tumatawag.

“Hello, Azriel?” Bungad kong sabi na hindi na maitago ang pag-aalala sa boses.

Ilang sigundo pa ang lumipas ngunit wala parin akong naririnig na boses sa kabilang linya kaya mas lalo akong kinabahan.

“Hello, Azriel. Ano bang nangyayari bakit hindi ka nagsasalita? Pinapakaba mo ako.” Muli kong sabi dahil may kakaiba na sa nararamdaman ko.

“Yhara. It’s me, Xenon. I'm the groomsmen at your wedding, Azriel’s friend.” Pagpapakilala ng taong nasa kabilang linya.

Saglit naman akong natahimik habang pilit inaalala ang hitsura niya noong araw ng kasal namin.

“Oh, right. Naaalala na kita. Where’s Azriel? Bakit hawak mo ang cellphone niya?” Mabilis na tanong ko na hindi manlang siya binati.

“He’s with me, at his bar. I’ll let Leo to pick you up, come quickly Yhara. Azriel needs you right now.” Pag-aalalang sabi niya na maririnig din ang pagkataranta ng boses.

“W-what happened to him? Xenon, please tell me, what happened? Where is he? What’s going on?!” Natataranta na din ako, hindi ko na alam kung anong gagawin ko dahil nabablangko na ang utak ko.

“Yhara, yhara! Relax, Okay? Calm down, I know what do you feel right now, but this isn't the right time to get hysterical. I already called Leo, just go outside, you will see him ASAP.” Rinig kong sabi niya kaya hindi na ako nagdalawang isip na lumabas agad kahit na naka nightgown na ‘ko.

Nakita ko ang isang itim na kotse sa harapan ng bahay kaya agad akong tumakbo at mabilis na sumakay roon.

“Your seatbelt Ma'am.” Paalala ni Leo kaya agad kong hinila ang seatbelt webbing bago nanginginig na ipinasok iyon sa buckle.

Dahil sa kabang nararamdaman ko ay hindi ko namalayang nandito na pala kami sa bar na sinasabi ni Xenon na pagmamay-ari ni Azriel.

Walang tumpik-tumpik kong binuksan ang pinto ng kotse bago dire-diretsong pumasok sa loob ng bar.

Dominated by Azriel MiltonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon