Matapos ang walang sawang pagpili namin ng palabas ay sa wakas, nakapili na din kami ng mapagkakasunduan namin.
Isang romance story ang napili namin. Umagree na din ako para matuto naman si Azriel ng kaunting romance, hindi iyong puro kamanyakan lang ang alam niya.
Ang takbo ng istorya ay parehas mahal ng dalawang bida ang isa’t-isa ngunit may dumating na kontrabida na sumira ng relasyon nila. Nakita ng bidang babae ang kontrabidang nakapatong sa bidang lalaki, parehas silang nakahubo’t-hubad. Gustong sugudin ni bidang babae si kontrabidang babae pero dahil malaki na ang tyan niya dahil sa pagbubuntis ay umalis nalang itong luhaan.
Itinago niya ang anak nila ng bidang lalake ng mahigit pitong taon at nang magkita silang muli ay nalaman niya ang katotohanan na wala talagang nangyari sa bidang lalake at kontrabidang babae, dahil plinano lang iyon ng bidang babae para agawin ang asawa niya. Nang malaman naman ng bidang lalake na bumalik na ang asawa niya ay agad niya itong pinuntahan at doon nagkabati sila at nagkasundong magiging isang buong pamilya muli.
“Whoa, akala ko hindi na sila magkakabalikan pa.” Sambit ko habang pinupunasan ang mga luha.
“You’re really into it, you even cry.” Pang-aasar pa ni Azriel.
“It was a tears of joy! Akala ko hindi na sila magkakabalikan pa, may anak pa naman sila. Kawawa yung anak nila kung lalaki siyang walang ama.” Pagpapaliwanag ko sa kutong lupa na ‘to na hindi maintindihan ang nararamdaman ko.
“Yeah, I know baby. I just want to tease you.” Pagtawa niya habang pinupunasan ang luha ko. “Let’s do the next plan on your list.” Dugtong pa niya sabay hawak sa kamay ko.
Ang malaki niyang kamay ay nakabalot na ngayon sa akin. Halos wala pa nga sa kalahati ang kamay ko nang ayusin niya ang pagkakahawak doon at mas lalong isiksik ang bawat pagitan ng mga daliri namin.
“It’s too crowded and loud here, are you sure you want to play here?” Sabi niya na parang gustong-gusto ng umalis dahil sa ingay at gulo.
‘Apaka arte ha’
“Syempre arcade ‘to, anong ineexpect mo? Wala tayo sa lamay Azriel, haynaku.” Panenermon ko.
“I can build a whole arcade just for you baby, just tell me. We don't need to squeeze ourselves into the crowd just to play some games.” Pamimilit niya pa.
“Yon nga yung masaya don e, makikipagsiksikan at agawan tayo para makapaglaro. Hindi mo malalaman ‘yon kung hindi mo susubukan, kaya halika na.” Paghila ko sakanya bago nakipagsiksikan sa mga tao para makabili ng tokens.
Weekend kasi ngayon kaya marami talagang tao ang nandito, lalo na ang mga kabataan na dito ang takbuhan para magbonding kasama ang mga kaibigan at mahal sa buhay.
“That’s quite a lot of tokens.” Turan pa ni Azriel ng ibigay na sa amin ang mga token.
2,000 pesos na token kasi yung binili ko kaya puno talaga yung tray na binigay sa‘min. Sinadya ko talagang bumili ng madami para makapag-enjoy kami.
“Sa basketball muna tayo.” Paghila kong muli sakanya papunta sa pwesto ng mga ring.
“Nandito yung goal para maka-abot sa next level.” Pagturo ko sa harapan ko kung nasaan ang guide katabi ng start button. “Paramihan tayo ng mashoshoot ha.” Paghamon ko pa sakanya bago ihulog ang token.
“That’s cheating baby, I haven't started yet.” Natatawa-tawang maktol niya.
‘Kasalanan ko bang babagal-bagal siya, hmp.’
Nang matapos na kami ay obvious naman kung sino ang nanalo, syempre... siya. Malay ko bang basketball player pala ‘tong kutong lupa na ‘to. Pero hindi ako magpapatalo sisiguraduhin kong sa susunod na laro ay ako na ang mananalo.
“Where’s my price little vixen? Hindi tayo pwedeng maglaro lang ng walang papremyo.” Ngising turan nito habang nakahalukipkip ang mga kamay.
“Sorry, pero wala tayong ganyang usapan.” Mataray na sabi ko, dahil wala naman talaga kaming pustahan bago pa magsimula ang laro.
“No shopping and ice cream then.” Proud na sabi nito habang hindi parin tinatanggal ang nakakainis na ngisi sa labi niya.
‘Punitin ko yang labi mo e!!’
No choice ako, dahil wala narin akong stocks ng mga personal needs ko kaya kailangan kong tuparin ang kagustuhan niya.
Agad ko naman siyang binigyan ng ‘Anong gusto mo’ look. At ang loko mas lalong nilakihan ang ngiti sa labi.
Mukhang hindi ko gusto ang nasa isip ng isang ‘to ah.
“Kiss me, here.” Turo niya sa labi niya bago bahagyang bumaba para maabot ko siya.
“KISS?! What the heck Azriel?! Kiss my *ss! I’m not going to kiss you! Never!” Galit na sabi ko nang marinig na ang sinabi niya.
Ineexpect ko na talagang sasabihin niya iyon, pero bakit naman tinotoo niya?
“Later I’m gonna kiss that juicy peach *ss of yours, but for now, all I need is my reward.” Bulong niya sa tainga ko na may nakalolokong ngiti parin sa labi.
Mukhang siya ang mas nag-eenjoy sa dapat na plano ko para sa amin. Hmph!!
“No way!” Maktol ko sabay talikod sakanya.
“Yes way baby.” Rinig kong sabi niya bago hilahin ang braso ko papalapit sakanya. Bigla ko namang naramdaman ang mainit at malambot na labi niyang ngayon ay nakalapat na sa mga labi ko.
Agad ko siyang tinulak papalayo nang maramdaman ang mga matang ngayon ay nakatingin na sa amin dahil sa kagagahan niya.
“Azriel! nakakahiya ka, andaming tao oh!” Magkadikit ang kilay kong sabi bago nakayukong tumakbo papalabas ng arcade area.
Hindi ko na kaya pang magtagal doon dahil sa ginawang kalokohan ni Azriel. Hindi ko tuloy nagamit lahat ng tokens ko!!
“Hey baby, what’s wrong?” Natatawa-tawang turan niya na tila nang-aasar pa nang habulin niya ‘ko sa labas. Makakatikim na talaga ‘to sa‘kin.
Nanatili akong tahimik habang naglalakad at tuwing magsasalita siya ay sinasamaan ko siya ng tingin kaya nananahimik nalang din siya.
“We’re going shopping, right? Shall we eat ice cream first? Where do you want to buy one?” Pangungulit niya na naman. Naisipan niya sigurong itanong iyon dahil may nadaanan kaming ice cream store.
Hindi ko naman siya sinagot at nagpatuloy lang sa paglalakad nang mamalayan kong wala ng bumubuntot sa akin. Medyo nakalayo na din ako kaya hindi ko alam kung saan humiwalay sa‘kin si Azriel.
“Azriel?” Tawag ko sa pangalan niya ng hindi ko pa rin siya makita matapos kong ilibot ang tingin sa paligid.
“Miss me?” Rinig kong sabi ng lalake sa likod ko. Agad naman akong lumingon ng marinig ko ang boses niya.
“Hey, Where did you—” Busangot kong bungad sakanya ng dahan-dahang mapalitan iyon ng ngiti dahil sa nakita kong hawak niya.
May hawak siyang dalawang ice cream sa magkabilaang kamay at may nakasumbit pang bag ng candies sa braso niya. This man really knows how to ease my anger.
“I’m sorry, my bunny.” Sabi niya sabay abot sa‘kin ng ice cream. Patakbo naman akong lumapit sakanya bago kunin ang nasa kamay niya at isubo agad iyon sa bibig ko.
“No kissing in public!” Masama ang tingin kong sabi sakanya nang mapalitan din agad ng ngiti dahil sa ice cream na hawak ko.
“Can’t promise that one.” Ngising sabi niya. Napailing naman ako dahil sa katigasan ng ulo niya.
Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy ng muli sa paglalakad dahil magshoshopping pa kami.
BINABASA MO ANG
Dominated by Azriel Milton
RomanceWARNING: Matured content | 🔞 [UNEDITED] An unknown man who suddenly appears from nowhere‚ trying something different or maybe 'too matured' movement to the girl who stole his attention. Will he going to succeed in capturing the female leads heart o...
