Kabanata 4

303 25 3
                                    


Tinupi niya ang towel na hindi pa rin niya naisasauli sa binata. Inayos niya rin ang tupperwear na may lamang adobong baboy dahil nakapgluto siya kaninang umaga.

Ngayong gabi lang talaga niya maiaabot sa binata. Tinext niya kasi ito at tinanong kung nasaan. Sabi naman nito ay nasa apartment ito.

"Tao po!" Katok niya sa pintuan nito. "Si Desiree 'to!"

As usual, ang iritableng mukha nito ang bumungad sa kaniya pag bukas ng pinto.
Hindi naman ito nagsalita kaya siya na ang naunang nagsalita.

"Salamat sa towel mo at ito, adobong baboy. Ako nagluto niyan kaninang umaga bago ako pumasok. Nainit ko na rin 'yan. Masarap sa kanin 'yan!" nakangiting ani niya rito at inabot sa binata.

"Okay." Kinuha nito ang tuwalya at tupperwear at akmang isasarado na ang pintuan nang pinigilan niya iyon.

"May sasabihin ka pa?" Parang inis na inis na talaga ito sa kaniya pero hindi siya magpapadala rito.

"Gusto ko lang sabihin na sa Friday ako mag ii-start mag-workout. Tiyaka gusto ko lang din malaman kung bakit ba laging nakalukot 'yang mukha mo? Mukha ba akong inidoro kaya para kang natatae pag nakikita mo ako?" seryosong tanong niya.

He let out a heavy sigh. "Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo. Nabigay mo na ang ibibigay mo at nasabi mo na rin ang sasabihin mo. You can go back to your apartment now," litanya nito. Napaatras siya nang sinarado nito ang pinto.

Napanguso na lang siya habang tinitigan ang pinto ng apartment nito. Akala niya ay magiging okay na sila pero hindi pa rin pala.

Kinatok niya si Ricamae dahil alam niyang kanina pa ito nasa bahay.

"Hoy! Mukhang may natitipuhan na si Justine na iba," malungkot na ani nito sa kaniya nang makapasok siya sa apartment nito.

"Ay talaga ba?" maang-maangan niya. Umupo siya sa sofa nito at kinuha ang bowl ng french fries na nasa maliit na lamesa.

Habang kumakain ay napabaling siya sa gilid, may salamin kasi roon na malaki kaya kitang kita niya ang sarili.

"Pangit ba ako?" tanong niya kay Ricamae. Tumabi ito sa kaniya at inagaw ang bowl ng french fries.

"Hindi. Maganda ka naman pero sobrang simple mo lang. Siguro kung magkikilay ka ng maayos at magli-liptint ka ay mas mabubuhay pa ang ganda sa mukha mo."

"Nakakatae ba ang mukha mo?" wala sa sariling tanong niya pa.

"Dati ka bang baliw, sis? Ano bang pinagsasabi mo? Oh ito ang fries, ikain mo 'yan!" Binalik nito sa kaniya ang bowl.

"Eh bakit kasi laging nakasimangot sa akin 'yang Arkin na 'yan? Lagi naman akong nakangiti ah? Gusto ko lang naman siya maging kaibigan. Alam mo naman na ayaw kong walang kasundo dito sa building."

"Baka may jowa? Kaya ayaw makipag kaibigan sa'yo?" Natigilan siya at napatingin sa kaibigan na naghuhugas na ng pinggan.

"Oo nga 'no? Gwapo siya, siguradong may girlfriend iyon! Baka kaya ayaw niya dahil ayaw niyang magselos ang girlfriend niya pag nalaman na may kaibigan siyang babae!" Napatayo siya at napatango tango.

Muli siyang kumain ng fries. Siguro nga dapat hindi siya naging makulit. Marahil ay selosa ang girlfriend nito kaya ayaw makipagkaibigan sa babae.

Tumambay lang siya kay Ricamae hanggang sa dalawin na sila ng antok. Bumalik na siya sa apartment niya at tiyaka ginawa ang night routine niya bago matulog.

Kinabukasan ay maaga siya nagising dahil may pasok. Thursday pa lang naman, excited na siya bukas dahil friday na. Day off na naman ng weekends. Kaya masaya rin pag office dahil dalawa ang day-off.

Chasing my Heart Thief [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon