PROLOGUE

607 25 7
                                    

"Ang init init naman sobra!" Naiiritang tumingin si Desiree sa kaniyang mga labahan. Napabuga siya ng hangin at tumango tango sa sarili.

"Dahil day off ko ngayon at mainit ang panahon? Kailangan ko talagang maglaba." Tinatamad talaga siya ngayong araw, gusto niya lang sana manood ng kdrama magdamag pero dahil kailangan niya ng maglaba ay mamaya na lang siya manonood.

May washing machine naman siya sa apartment pero talagang nakaramdam lang siya ng katamaran kaya nag dalawang isip siya.

"Tsk. Bawal ka tamarin dahil hindi ka naman isang disney princess," ani niya sa sarili.

"Desiree! Inom tayo mamaya? Birthday daw ni aling Mima at magpapainom diyaan sa baba!" sigaw ni Ricamae, ang kaniyang matalik na kaibigan sa kabilang apartment.

"Sigaw na naman kayo ng sigaw diyan!" Napasimangot siya nang marinig ang pakikisabat ni mang Kanor sa baba.

Nasa 2nd floor kasi ang apartment niya. Isang building kasi ang tinitirhan niya. Tatlong palapag na apat ang apartment sa kada palapag.

Rinig na rinig niya ang nasa labas dahil naka bukas ang balcony niya. Lahat kasi ng apartment may balcony.

Oh diba sosyal? Pero maliit lang naman ang apartment. May isang kwarto na rin naman kasiya na sa dalawa hanggang apat na tao kung may kasama ka.

"Gaga! May pasok ako bukas bawal ako malasing!" sigaw niya pabalik. Hindi na siya nahihiya kakasigaw dahil tanghaling tapat naman na at walang bata sa apartment building.

Isa pa't ka close niya na talaga ang lahat ng tao doon pati na rin ang may-ari ng apartment, si aling Mimasaur. Mima lang talaga ang pangalan nito pero pinagsama nila ang Mima at dinosaur dahil parang dinosaur kung makasingil ng pang upa.

"Kaunti lang! Pag nararamdaman mo ng malapit ka ng malasing eh di tama na at matulog ka na."

Hindi na siya sumagot dahil sumasakit na ang lalamunan niya kakasigaw. Alam naman niyang bubulabugin siya mamaya nito pag hindi siya lumabas.

Nang masalang niya na ang mga damit niya ay nilabhan niya ng mano mano ang bra at panty niya. Mabilis lang naman siya natapos at sinampay niya na.

Humiga muna siya sa kaniyang sofa at kinuha ang cellphone para manood. Isang oras pa naman ang hihintayin niya sa nilalabhan dahil 'yong washing machine niya ay deretso dryer na. 

Labis nga ang tuwa niya nang ibenta sa kaniya ni Aling Mimasaur ang washing machine na 'yan dahil may bago ito na binili ng mayaman nitong anak. Sa tatlong libong piso ay mayroon na siyang washing machine na automatic. 

Nagsalubong ang kilay niya nang marinig ang boses ni Aling Mima.

"Ay nako nandito ka na pala!" halos patili na sigaw nito. Kilala niya ang tono ng boses nito pag masaya. Siyempre dahil isa siyang dakilang chismosa at gusto niya malaman kung anong meron sa baba ay bumangon siya at lumabas ng balcony. 

Nakita niya ang papasok na truck sa gate nila. Bago ka kasi makatungtong sa building ay papasok ka muna ng malaking gate. Hindi naman sobrang lawak ng labas nila, siguro ay kasiya na ang pitong kotse at medyo maluwag luwag pa sa dadaanan. 

Ang kaso naman kasi, dalawa lang ang may kotse sa mga kapitbahay niya—si Aling Mima at si Justine na isang kolehiyo na nangungupahan din doon, kaya maluwag na maluwag sila sa baba. Pwede pa nga maglaro ng patintero at agawan base. 



"Bagong lipat!"

"Ay gaga ka!" Sinamaan niya ng tingin si Ricamae dahil ginulat siya nito. 

Chasing my Heart Thief [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon