Pinapasok niya si Warren sa kaniyang apartment. Inabutan niya ito ng tubig na maiinom dahil iyon lang naman ang mayroon siya sa bahay.
"Anong kailangan mo at bakit ka pumunta rito?" tanong niya dahil gusto niya ng malaman ang pakay nito sa kaniya.
Nilibot nito ang paningin nang matapos uminom ng tubig.
"Dito ka pa rin pala nakatira—"
"Deretsuhin mo na lang ako kung anong kailangan mo, Warren. Bakit ka pumunta rito bigla bigla? Ano ang kailangan mo?" seryosong tanong niya rito. Isang taon na silang hindi nagkikita tapos bigla itong susulpot ngayon mismo kung saan siya nakatira.
"Des... kailangan ko ng tulong mo," ani nito nang makalapit sa kaniya.
"Kung pera man 'yan alam mong wala ako, Warren," ani niya kaagad dito. Alam nito ang hirap niya sa buhay at alam din nito ang mga pinasok niyang trabaho noon para lang mabuhay.
Nagulat siya nang lumuhod ito sa harapan niya at nagmamakaawang hinawakan siya sa paa.
"Warren!"
"Des, ang anak ko... kailangan niya mapa-operahan. May butas ang puso niya, Des. Two years old pa lang siya, tulungan mo naman ako," pagmamakaawa nito. Napasapo siya sa noo niya dahil hindi niya pa rin kayang makita itong ganito. Naka-move on na siya pero may pinagsamahan pa rin naman siya, naging kaibigan niya pa rin ito noong kaklase niya pa lang ito.
"Tumayo ka riyan. Mapapahiram kita ng pera pero sampung libo lang ang kaya ko, hindi ko p-pwedeng sairin ang savings ko dahil wala na akong pambayad sa bills ko," ani niya. Mas nakaraos nga siya sa ngayon dahil may roon siyang ipon pero wala siyang malaking pera na makakatulong pang-opera ng anak nito.
"Alam mo ang sitwasyon ko, Warren. Iyon lang talaga ang kaya kong itulong sa'yo," ani niya rito. Yumuko siya para hawakan ang braso nito at patayuin. Kaya pala medyo nanibago siya rito dahil mas pumayat ito kaysa dati.
"Ano bang trabaho mo? may trabaho ka ba? wala bang pinagkakakitaan ang asawa mo?" pagtatanong niya rito dahil gusto niyang malaman ang sitwasyon nito.
"Driver ako, ang ka-live in ko naman walang trabaho. Hindi pa kami kasal, Des." Napaiwas siya ng tingin dito. Sumasakit ang ulo niya kay Warren. Naaawa siya pero naiinis siya dahil hindi ito nag-iisip noon. Mahirap ang buhay pero hindi man lang ito nag-isip no'n.
Gusto niya man itong pagalitan pero wala na, nangyari na ang nangyari.
"Wala akong cash dito dahil nakatabi ang savings ko sa bank account. Pwede ko ipadala sa'yo bukas kaya umuwi ka muna." Lumakad siya patungo sa pintuan niya para pagbuksan ito nang bigla itong magsalita.
"Alam kong hindi mo ako matutulungan sa pera, Des. Alam ko rin na wala ka rin talaga pero may paraan para matulungan mo akong makakuha ng malaking pera pang gamot sa anak ko," umiwas ito ng tingin.
Nagsalubong ang kilay niya dahil sa narinig niya. "Anong ibig mo sabihin?"
"Hinahanap ka ni Jago Ignacio." Nang marinig niya ang pangalan na binanggit nito ay muling nabuhay ang galit sa puso niya.
"Labas! Umalis ka, hindi kita matutulungan sa gusto mo," nagtagis ang bagang niya. Hinatak niya ito para paalisin pero nagpumigil ito at hinarap siya.
"Sasayaw ka lang ulit sa party niya—"
"Putang ina, Warren! Putang ina! Alam mo ang dinanas ko sa kaniya 'di ba? Dalawang beses lang ako pumasok sa pagsasayaw na 'yan pero hinabol niya ako at iba ang gusto niyang gawin kong trabaho!" sigaw niya rito. Tinulak niya ito at umatras siya papalayo sa lalaki. Napahawak siya sa ulo niya at parang manghihina siya.
BINABASA MO ANG
Chasing my Heart Thief [ON-HOLD]
RomansaDesiree Egos is a beautiful woman who has a seductive brown eyes, pointed nose, small lips but plump and fairskin. She's living in the Bulacan at Mima's Apartment for almost four years. She's close to all the tenants there. She doesn't have to worr...