Kabanata 25

276 21 3
                                    


Halos maubos niya na ang anim na mangga sa sobrang takam na takam. Gusto niya pa magbalat nag panibago pero baka sumama ang tiyan niya. Uminom siya ng maraming tubig habang nakatutok pa rin ang mata niya sa palabas.


Humikab siya dahil nakaramdam siya ng antok. Tumayo siya para ligpitin ang pinagkainan niya pero si Arkin ang gumawa no'n. Dahil nagsusungit siya rito at sinabihan niyang naiirita siya sa binata ay hindi siya nito kinulit pero hindi naman siya nito pinabayaan. 


Hinayaan niya ito at pumunta sa kusina para maghugas ng kamay.


"When will you go home?" tanong nito sa kaniya. Nilagpasan niya ito at hindi pinansin. Dumeretso siya sa kwarto at siniguradong naka-lock iyon.


She's feeling bad to Arkin. Malala ang init ng ulo niya rito at naiintindihan na niya kung saan nagmula ang init ng ulo niya. 


Hindi lang dahil gusto niya itong tarayan kun'di literal na naiirita siya dahil mukhang pinaglilihian niya ang tatay ng anak niya.


Tama, buntis siya. Hindi niya alam kung ilang days na pero ayon sa dalawang pregnancy test ay positive na nagdadalang tao siya.


Masaya siya na magkakaron siya ng anak dahil sa wakas ay may sarili na siyang pamilya pero natatakot pa rin siya. Hindi niya alam kung paano i-o-open up kay Arkin.



"Hello, lola? Nasaan ka?" tanong niya kay lola nang sumagot ito sa tawag niya.


"Busy pa ako. Anong nangyayari na diyan? Hindi ka pa rin nilubayan ng lalaki na 'yan?"


"Lola, hindi na ho iyon ang problema ko ngayon," ani niya at napabuga ng hangin. 


"Oh ano?"


"Buntis po ako..."


"Sus, buntis lang pala—" Kumunot ang noo niya nang marinig ang malakas na tunog sa kabilang linya. Nailayo niya ang cellphone niya saglit bago muli idikit iyon sa tainga niya.


"Lola? Lola? Anong nangyari?!" natataranta niyang ani rito. Mukhang nalaglag ang cellphone nito.


"Diyos ko, panginoon! T-tama ba ang narinig ko?" tanong nito sa kaniya na may bahid ng tuwa.


"Lola... kumalma po kayo..." sambit niya dahil naririnig niya na mukhang may kausap pa ito dahil may pumapalakpak. "Totoo po... pero hindi ko pa po alam kung ilang days na, hindi pa po ako nakakapag-pa-check-up. Nag-aalala nga po ako dahil kahapon nadulas ako at bumagsak—"


"Ano?! Go to the hospital, right now!"


"L-lola?" halos pabulong na sambit niya. Hindi niya alam kung tama ba ang pagkarinig niya o nag-english talaga si lola sa kaniya.


"Pumunta ka ng hospital ngayon din! Paano kung napano na pala ang bata? Oh my god, anak! Sumasakit na ang ulo ko sa inyong dalawa. 'Yong isa hindi makaamin sa sarili na mahal ka na niya at ikaw naman ay mahal mo nga siya pero masiyado mong pino-problema ang status niyong dalawa sa buhay! Sa tingin mo ay importante ang status pag nagmamahal? Gusto na kitang iuntog para magising ka sa katotoohanan! Maniwala ka sa puso mo, maniwala ka sa sarili mo. Hindi porket hindi ka nakatapos, hindi ka mayaman o hindi ka sikat na tao ay mamaliitin mo na ang sarili mo! May ipagmamalaki ka parin, Desiree. Iyang mabuti mong puso at hindi mo pagsuko sa buhay. Masipag ka at matulungin sa mga nangangailangan kahit ikaw rin ay malaki ang problema sa buhay! Diyos ko po, hindi ko na alam kung ano ang gagawin sa'yo!" 

Chasing my Heart Thief [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon