Kabanata 21

308 20 6
                                    


Kunot noong pumasok si Arkin sa opisina. Naroroon ang dalawa niyang kaibigan na si Hugo at Rayver. Tinutulungan siya ng dalawa para mahanap si Desiree dahil dalawang araw na ay wala pa rin impormasyon kung nasaan ito.



"The hell? Paano nangyari na walang files ang cctv sa daan?" gulong-gulo na tanong niya kay Hugo. 



"I don't even know! May kapit pa ako sa bulacan ha? pero wala silang maibigay na files. Wala raw footage ng araw na 'yon." Inutusan niya kasi si Hugo na hingin ang cctv sa buong bulacan para ma-review nila pero wala raw na maibigay.



"Imposible namang may kapit si Desiree na mas malakas sa'yo 'di ba?" ani ni Rayver sa kaniya. "I mean, naisip ko lang kung may matatakbuhan siya na may kakayanan na itago talaga siya. Her ex-boyfriend doesn't have any idea where she is and he also said that Desiree doesn't have a family. Kahit ibang kamag-anak nito ay wala raw," paliwanag ni Rayver.



Pabagsak siyang umupo sa swivel chair at ginulo ang buhok. He doesn't have a good sleep. Paano siya makakatulog kung bigla nawala ang dalaga na parang bula. Lahat ng tao sa apartment building ay wala ring alam kung nasaan si Desiree. 



Masisiraan na ata siya ng bait dahil dito.




"Ano bang nangyari? hindi ba talaga kayo nag-away? Isipin mo nga!" bagot na sambit ni Hugo. "Baka ikaw pala ang may kagagawan kaya umalis. Baka nakita kang may babae?"



"Eh wala silang label? Fuck! Ang hirap ng sitwasyon niyo," sabat pa ng isa.



"We're okay after the dinner with mamita... I didn't sense anything wrong..." Napahawak siya sa sintido niya. 



Hugo stand up and crossed his arms while walking back and forth.


"It's smell patis, right?" wika nito habang seryoso pa rin ang mukha.



"Patis, what?" lumukot ang mukha ni Rayver habang sinusundan ng tingin si Hugo.



"I mean, patis is fish sauce so, I smell something fishy—"


"Gago!" binato ni Rayver si Hugo ng unan sa sofa.


"Kidding aside. Why do I feel that what happened is it because of you and your mamita? Baka naman kinausap ng mamita mo si Desiree?"



Umiling siya sa mga ito. "I don't know. I am trying to contact mamita but she didn't answering my calls. Sabi ng assistant niya ay nasa canada raw si mamita." Balak niya talaga kausapin ang mamita niya dahil iyon din ang kutob niya.

Chasing my Heart Thief [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon