Kabanata 26

269 25 5
                                    


Maaga siyang pumunta sa clinic para magpa-konsulta sa ob-gyn. Tulog pa si Arkin pero nag message siya rito na lalabas lang siya saglit at pag hinanap siya nito ay aalisan niya ito. 


Naka-schedule na siya kaya mabilis lang siyang naasikaso sa clinic. Sobrang lakas ng tibok ng puso niya, excited siyang malaman kung ilang weeks na siyang buntis. 


"Yes Mrs, you're right. Buntis ka at dalawang linggo na. Congratulations!" nakangiting ani sa kaniya ng ob-gyn. Hinaplos niya ang tiyan niya at pinakiramdaman iyon kahit wala pang baby bump. 


Ito na talaga ang reyalidad, may anghel na sa kaniyang sinapupunan. Mabuti na lang hindi sobrang sama ang pagkakabagsak niya noong nakaraang araw.


"Ito ang mga kailangan mong kainin. Iwasan mong ma-stress at mapagod ng sobra. Walang masama mag exercise pero 'wag mong i-push sa limits ang pagod mo." Binigyan siya nito ng listahan at nagbigay rin ito ng libro tungkol sa pregnancy para marami siyang malaman. 



Nagpasalamat siya rito at umalis kaagad doon. Para hindi siya mahalata ni Arkin ay dumaan siya sa isang supermarket at bumili ng mga gusto niyang kainin, bumili na rin siya ng gatas at iba pang prutas.


Kailangan ay puro masustansiya na pagkain lang ang kinakain niya hangga't maaari. Pagkauwi niya ay gising na si Arkin at nakita niya itong nagluluto at sa amoy pa lang alam niya ng pancake. 


Dumeretso siya sa kusina at nilabas ang mga prutas at pagkain na pinag-grocery. Nilagay niya ang fresh milk sa refrigerator. Hindi pa siya makabili ng pang buntis na gatas dahil magtataka si Arkin.



"Sana hinintay mo na lang ako magising para natulungan kita," ani nito sa kaniya at binigyan ng halik sa noo. 


"Gusto ko ako lang mag-isa!" pagsusungit niya muli rito. 


"Opo, boss!"


"Gutom na ako, malapit na 'yan?" nakangusong tanong niya. Natatakam siya sa amoy at parang makakaubos siya ng marami no'n. "Damihan mo 'yong luto ah! Magbibihis lang ako." 


"Yes, boss. Ikaw ang masusunod." Tinalikuran niya ito at dumeretso sa kwarto. Gusto niya ng malaking t-shirt kaya nanguha siya sa gamit ni Arkin. Tinanggal niya rin ang bra niya dahil sumasakit ang dibdib niya. Alam niyang normal lang iyon pero hindi siya sanay. 


Presko na ang pakiramdam niya dahil sa damit ng binata. Inamoy amoy niya pa iyon dahil gustong gusto niya ang amoy ng damit nito. 


Pag balik niya sa kusina ay nakita niyang napatitig sa kaniya si Arkin. He licked his lower lips while staring at her like he will devour her.


"Hiniram ko ang shirt mo."


"Damn... You can borrow it anytime, baby." Nilapag nito sa lamesa ang lutong pancake at kumuha naman siya kaagad ng tinidor at kumain. Napapikit pa siya dahil sarap na sarap siya. Hindi niya na kinausap ang binata at kumain lang ng kumain. 

Chasing my Heart Thief [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon