Paggising niya ay tanging sulat lang ang iniwan ni lola para magpaalam sa kaniya. May emergency raw kasi sa apo niya at kailangan nitong puntahan. Wala naman siyang magagawa dahil nakaalis na ito.
Isang linggo na rin siya rito at kating-kati na siya buksan ang cellphone niya pero hindi niya magawa. Nasa loob lang din siya ng bahay at hindi lumalabas dahil si lola ang bumibili ng pagkain nila.
Kumain muna siya ng almusal bago maglinis ng bahay. Siya ngayon ang umaako ng trabaho ni lola dahil gusto niya itong matulungan. Hindi naman mahirap ang paglilinis dahil wala namang magulo sa bahay at nagkakalat.
Binuksan niya ang laptop at nagpatugtog ng music. Mabuti na lang talaga at may laptop siya na galing sa opisina. Nakakapag-work siya at nakakanood ng movies kung wala na siyang ginagawa. Sa panonood naman ng movies ay nakakanood siya sa malaking smart tv. Tinuruan siya ni lola kung paano manood sa netflix. Na-amaze pa nga siya dahil kabisado na ni lola ang smart tv.
Nag-umpisa siyang mag walis sa loob at pagkatapos ay nag mop siya sa buong bahay. Pinunasan niya rin ang bintana at ang mga pinto para mawala ang alikabok kahit wala naman siyang nakikita.
Lumabas siya ng bahay at diniligan ang lahat ng halaman. Tatlong oras lang ata siya naglinis at nagdilig, wala na naman siyang magawa.
11 na ng umaga at naisipan niya na lang lumabas at pumunta malapit sa convenience store. Gusto niya kasi kumain ng microwave popcorn at ice cream. Wala naman siyang work ngayon kaya balak niyang mag binge watch ng kdrama.
Naghahanap talaga siya ng paraan para malibang ang sarili niya. Na-mi-miss niya na si Ricamae, na-mi-miss niya na ito kasigawan pati sila Mang Kanor at Aling Mimasaur... at si Arkin na susungitan siya.
Arkin...
Hindi niya alam kung hinahanap pa ba siya nito. Wala na kasi siyang balita at hindi niya na ine-email muna si Ricamae. Gusto niya na lang muna manahimik para hindi niya isipin ang binata.
Napabuntong hininga siya ng malakas bago lumabas ng gate. dalawang minuto lang na lakad at nasa convenience store na siya. Malapit lang talaga sa bahay na pinagta-trabahuan ni lola.
Maganda nga ang place ng bahay dahil hindi sobrang probinsya tingnan. Marami ka ng mabibilhan sa paligid.
Pumasok siya sa convenience store at kumuha ng maliit na tub ng ice cream at microwave popcorn na cheese at butter. Kumuha na rin siya ng softdrinks para pag gusto niya uminom no'n ay mayroon sa refrigerator.
Naramdaman niyang may nakatitig sa kaniya at nahuli niya ang cashier staff. Bigla naman itong ngumiti sa kaniya kaya ngumiti na lang din siya. Siguro ay tinitingnan ang mukha niya dahil ngayon pa lang siya nito nakita.
"Ito lang po ma'am?" nakangiting ani nito habang titig na titig sa mukha niya. Medyo nahiya tuloy siya dahil magulo ang pagkakatali niya sa buhok.
BINABASA MO ANG
Chasing my Heart Thief [ON-HOLD]
RomanceDesiree Egos is a beautiful woman who has a seductive brown eyes, pointed nose, small lips but plump and fairskin. She's living in the Bulacan at Mima's Apartment for almost four years. She's close to all the tenants there. She doesn't have to worr...