She woke up with a smile on her face. Sino ba namang hindi mapapangiti kung paggising niya ay si Arkin ang bubungad sa kaniya. Nauna pala itong gumising at pinaghanda siya ng breakfast. Simple lang iyon pero natuwa siya ng husto.
He prepared a toast bread, scramble egg and milk. Mas naging maasikaso ito sa kaniya.
"Goood morning," bati niya rito.
"Good morning, baby," he said and kissed her forehead.
"Pupunta tayo sa mansyon ng mamita mo 'di ba?" tanong niya kay Arkin. Tumango naman ito sa kaniya. Medyo kinakabahan siya pero gusto niya na rin ito harapin dahil hindi naman habang buhay ay maiiwasan niya ito. Gusto niyang ipakita rito na totoong mahal niya ang apo nito.
"You can wear whatever you want. Just be yourself, baby. Wala naman siyang magagawa dahil ikaw ang gusto ko pakasalan at ikaw ang mahal ko," sambit nito sa kaniya. Ngumiti siya sa binata at tumango. Kung si Arkin ay kaya siyang ipaglaban, kaya niya rin.
Kung hindi talaga siya magustuhan ng mamita nito ay gagawa siya ng paraan para ligawan ito at magustuhan siya. Importante na rin sa kaniya ang mga taong importante sa binata. His family will be her family soon.
Pagkatapos nila kumain ay naligo na siya at nag-ayos. Nagdala lang siya ng kaunting damit na pamalit niya dahil doon daw sila matutulog ng tatlong araw. Okay na rin para makausap niya ng matagal ang mamita nito.
"I'll also invite ate Chaniya and Chanel so you'll meet them. Paniguradong makakasundo mo si ate Chaniya dahil isa rin 'yong madaldal," tawa nito.
Sumimangot siya at tiningnan ito, "So, sinasabi mong madaldal ako?"
"Hindi ba? kaya mo nga ako nakuha eh kasi sinigurado mong tatatak ka sa isipan ko." Hinampas niya ito sa braso.
"Wow ha! Wala sa isip ko 'yan!" Humaba ang nguso niya dahil tuwang-tuwa ang binata sa kaniya.
"Tapos, inutusan mo siguro 'yong panty mo para magpapansin sa akin— ouch, baby!" daing nito nang kurutin niya ito sa n*pples. Nakangiti pa rin ito kahit dumadaing na sa sakit.
"Pinagtatawanan mo ako ha! Hindi kaya kita pakasalan," biro niya rito. Bigla naman itong nagseryoso na parang nataranta pa.
"I'm just joking! Damn it. Don't say that," ani nito at niyakap siya. Hagikgik na lang ang naisagot niya rito. Mukhang masaya pala asarin at takutin si Arkin.
Pagkatapos nila sa ginawa nila ay umalis din sila kaagad. Tuwang tuwa nga sila Alin Mima at Mang Kanor sa nabalitaan nila na ikakasal sila ni Arkin. SIyempre, si Ricamae ang nagkalat kaagad no'n. Inaasar niya nga rin ito dahil nagkatuluyan na pala ang kaibigan at si Justine.
Kaya pala iba ang blooming ng kaibigan kasi mas lalong sumaya.
Natulog lang siya sa buong byahe. Kahit ayaw niya man ay talagang hinahatak siya ng antok. Dahil traffic ay tumigil na lang sila sa restaurant para mag tanghalian at ayaw ni Arkin na malipasan siya ng gutom kahit hindi pa naman siya gutom talaga.
BINABASA MO ANG
Chasing my Heart Thief [ON-HOLD]
RomanceDesiree Egos is a beautiful woman who has a seductive brown eyes, pointed nose, small lips but plump and fairskin. She's living in the Bulacan at Mima's Apartment for almost four years. She's close to all the tenants there. She doesn't have to worr...