Napasimangot siya nang muling umalis na naman si Arkin. Sabi nito ay may importante raw itong meeting pero pag nakikita niya lagi na gabing-gabi umuuwi ay parang sobrang saya ng mukha.
Kinuyom niya ang kamao niya dahil sa inis na nararamdaman. Wala na naman siyang kasama sa bahay. Hindi niya alam kung bakit hindi pa rin umuuwi si lola, sabi nito ay uuwi siya ngayong araw pero mukhang hindi matutuloy dahil hindi sumasagot sa tawag niya.
"Subukan mo lang mang babae, puputulin ko 'yang mahaba mong pinagmamalaki," bulong niya sa sarili habang hinihiwa ang mansanas.
Kumagat siya ng mansanas na nahiwa at tiyaka tumayo dahil papatayin niya na ang gasul. Nagluto kasi siya ng sinabawang isda na maraming gulay.
Sa araw na 'yon ay wala siyang ginawa kun'di magtrabaho at kumain. Wala naman siyang ibang magawa kaya tinuon niya na lang ang oras sa pagtatrabaho.
Tinawagan niya si Arkin para itanong kung gagabihin ba ulit ito pero hindi siya nito sinasagot. Tumawa siya ng pagak habang nakatingin sa cellphone niyang nagri-ring pa rin.
"Ah, gano'n ha? Hindi mo sasagutin? Okay!" bulalas niya. Sakto namang nag-ring ang cellphone niya. Si Ricamae ang tumatawag kaya agad niya itong sinagot.
"Kailan ka uuwi, bakla ka ng taon!" sigaw nito sa kaniya.
"Ang gandang bungad ha!" ani niya habang ngumunguya ng mansanas.
"Ay, badtrip? Anong meron? Alam mo na ba kaagad?" Nangunot ang noo niya dahil sa tinanong ng kaibigan.
"Anong alam ko?" hindi niya kasi ito maintindihan.
"Gaga! Kaya ka badtrip 'di ba? Ay hindi ba? Ichi-chika ko lang kasi sa'yo eh."
Binaba niya ang hawak na mansanas at uminom ng tubig. "Iyong alin ba? Huwag kang pabitin ha, mainit ulo ko!"
"Kasi nga nakita ko si Arkin may kasamang babae rito sa apartment. Nag ngingitian pa nga at nagtatawanan habang nag-uusap."
Lumukot ang mukha niya at dinampot ang kutsilyo na pinanghiwa niya sa mansanas at tinusok doon.
"Anong sabi mo? totoo ba 'yan?"
"Ay, 'te! Hindi ka ba naniniwala sa akin? Ano 'to guni-guni ko lang kaya ko kinwento?" singhal nito sa kaniya.
"Uuwi na ako mamaya!" bulway niya at tumayo sa pagkakaupo.
"Dapat lang! Ipag-ga-grab na kita at sponsor ko na. Sabunutan mo ang babae ha? Nako pag ikaw naagawan sinasabi ko sa'yo."
"Hindi ko talaga ipapaagaw ng ama ng anak ko! Hayop siya! Subukan niya lang talaga magloko, kahit wala kaming label ay tatay pa rin siya ng anak namin. Sasabihin niyang mahal niya ako tapos ngayon mangbababae siya?! Putragis talaga!" gigil na litanya niya.
BINABASA MO ANG
Chasing my Heart Thief [ON-HOLD]
RomanceDesiree Egos is a beautiful woman who has a seductive brown eyes, pointed nose, small lips but plump and fairskin. She's living in the Bulacan at Mima's Apartment for almost four years. She's close to all the tenants there. She doesn't have to worr...