Kabanata 16

272 19 6
                                    


Nagmamadaling umalis si Arkin sa gym nang mabalitaang nasa hospital ang mamita niya. Si Chanel ang nagsabi sa kaniya kaya nalaman niya. He just texted Desiree to inform her that he can't pick her after her work. 


Alam niyang malakas ang mamita niya kaya natataranta siya ngayon sa balita. His grandmother is 70 years old but still looks like 10 years younger. She have a very active and healthy life style. Gano'n din ang mommy at daddy niya na mahilig mag-exercise. 


Walang kasama sa mansyon ang mamita niya kun'di ang mga maids at ang personal secretary nito kaya nag-aalala talaga siya. His mom and dad are living on Australia since after he graduated. Ang daddy at mommy niya kasi ang naka-assign sa business nila roon sa bansa dahil malaki rin ang naroroon at kailangan pagtuunan ng pansin. 


Tatlong oras ang binyahe niya hanggang sa makarating sa hospital na pagmamay-ari ng pamilya ni Hugo. Dumeretso na siya sa VIP room dahil alam niya na kung nasaan ito.


Pagpasok niya sa kwarto ay halos maningkit ang mata niya nang makitang tumatawa ng husto ang mamita niya habang nanonood sa malaking tv. May mga prutas pa ito sa bed table at may peanuts pa na paborito nito.


Napatingin siya kay Chanel na nakatingin sa kaniya at parang nanghihingi ng tawad. 


"So my daughter can really fooled you?" natatawang ani ng pinsan niya nang makita siya. It's Chaniya, Chanel's mother. 


"What is this? Are you for real mamita?" He massaged the bridge of his nose because of frustration. Nawala sa isip niya na napakagaling umarte ng mamita niya. Parang nabubuhay ito sa sariling teleserye. Hindi niya ito maintindihan talaga minsan.


"Of course! I should do something because it's almost 4 months, I guess? You still don't want to talk to me? Ayaw mo ba talaga ako bigyan ng apo?" nag-eesterikal na sambit nito at napahawak pa sa puso.


Napakamot siya sa batok at nilapitan ito. "Mamita, you know I don't want to settle down, right? I'm still young."


"You're still young but at the age of that you should starting to see someone and planning to get married! Nako Arkin ha! Malapit ka na mag 30 years old at ako naman ay tumatanda na talaga. Gusto kong makita kitang kinakasal at gusto kong mahawakan ang apo ko sa'yo! I want to spoil  your child!" Hinawakan niya ang kamay nito at tiningnan mabuti.


"Mamita, please. Hindi na ako magtatago sa'yo pero 'wag mo na ako i-set up sa mga dates na 'yan or set up an arrange marriage. I will not accept that and I will not marry whoever woman you choose. I have my own life." He sighed. 


 His grandmother crossed her arm and raised her eyebrow. "Are you seeing someone?" 


Hindi siya nakasagot. Hindi niya alam kung paano sasagutin iyon pero ang pumasok sa isip niya ay ang dalaga. He, even don't know if what are they. They have a thing but they don't have a label. Hindi pa nila napag-uusapan iyon ng dalaga. 


"You are thinking someone, Arkin Alves. I know you. You're very straightforward. You can just answer my question immediately but you are hesitating now? So, who's the girl? I need to see her in instant!" pagtataray nito sa kaniya. 

Chasing my Heart Thief [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon