Wala siyang nagawa kun'di hayaan si Arkin na bihisan siya. Kahit hiyang-hiya siya ay hinayaan niya na ito dahil hindi talaga ito magpapatalo.
Paulit-ulit pa rin niyang naririnig ang sinabi nito sa kaniya.
Buntisin? Balak niya ako buntisin para hindi ako makatakas?
Napabuntong hininga siya, hindi niya ito maintindihan. May fiance na 'to at mahal nito pero sinabihan siya nito na balak siyang buntisin para hindi makatakas. Pakiramdam niya tuloy siya ang pinaglalaruan ng binata.
"Masakit pa ba sobra 'yang balakang mo?" tanong nito sa kaniya nang makapasok muli sa kwarto niya. Nag-order ito ng pagkain kaya lumabas saglit.
"Okay na kahit papaano. Pwede ka ng umalis dahil kaya ko naman na," wika niya rito at umayos ng higa. Nagtalukbong siya ng kumot, ayaw niya makatitigan ang binata dahil parang nalulunod na naman siya.
Sa totoo lang ay gusto niyang umiyak at yakapin ito. Hindi naman niya mapagkakaila na na-miss niya ito pero hindi pa rin pwede ang gusto niya.
Akala niya magiging madali lang ang lahat para kalimutan ito pero hindi talaga. Iba talaga pag mahal mo na ang isang tao, kahit hindi kayo pwede hindi pa rin basta-basta mawawala 'yong pagmamahal mo.
Tinatak naman niya sa utak niya na masiyadong mataas si Arkin at hindi niya ito kayang abutin dahil wala siyang maipagmamalaki, pero kahit gano'n ay ang puso niya ang nag wagi kaysa sa utak niya.
"Can we talk, please? Don't hide with me, Desiree. Do you know how much I spend so much time just to find you? I can't even sleep—"
"Ako pa ang may kasalanan? Desisyon mo naman 'yan na hanapin ako! Hindi naman ako nagpapahanap," pagsusungit niya rito. Kailangan niyang mag sungit para lubayan na siya nito.
"What's wrong with you? May problema ba tayo? May sinabi ba sa'yo si mamita kaya ka nagkakaganiyan?" tanong nito sa kaniya. "Face me, baby, please?" ani pa nito.
"Hindi ako sanggol ha! sapakin kita riyan."
"We need a serious talk."
"Hindi natin kailangan mag-usap, Arkin. Ano bang mayroon at hinahabol mo ako? Gusto ko lang naman muna umalis sa apartment?" Hinatak nito ang kumot kaya napatingin siya rito ng masama.
"You're avoiding me! Kala mo ba nakikipagbiruan ako—"
"Sa tingin mo nakikipagbiruan din ako?" she arched her eyebrow. "Pag nakipag-usap ba ako sa'yo aalis ka na? Lulubayan mo na ako? Medyo nakakairita ka na eh," matapang na sambit niya.
Tama 'yang ginagawa mo Desiree... Kaya mo 'yan, ipakita mo na hindi naman siya importante sa buhay mo.
Hindi nakapagsalita ang binata at seryosong nakatitig lang ito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Chasing my Heart Thief [ON-HOLD]
RomanceDesiree Egos is a beautiful woman who has a seductive brown eyes, pointed nose, small lips but plump and fairskin. She's living in the Bulacan at Mima's Apartment for almost four years. She's close to all the tenants there. She doesn't have to worr...