Kabanata 2

317 17 1
                                    




Alas-otso na siya naka-out dahil nag-overtime siya. 9am to 6pm kasi ang duty niya at dalawang oras siyang overtime. Marami rin kasi siyang ginawang paper works at in-organize na files. Okay na rin dahil sanay naman siya sa paguran at higit sa lahat may overtime pay naman. Tapos na rin siya kumain dahil sa free dinner sa office.


Kaya swerte na rin siya rito dahil kompleto ang government and health benefits, plus ang lunch and dinner na pagkain.


Nagpaalam siya kay Alvhea nang makalabas sila ng building. ito ang katrabaho niyang kasama niya mag overtime ngayong araw.

She pursed her lips while feeling the raindrops at his palm. Malakas kasi ang ulan ngayong araw. Pag-alis niya kaninang umaga ay sakto lang naman pero ngayon ay malakas na, sinabayan pa ng hangin.

Naghintay siya ng tricycle pero wala pa ring dumadaan. Hindi naman kasi nadadaan ang mga jeep sa street na 'yon.

Kaya naman lakarin gaya ng ginagawa niya pero gusto niya sana mag tricycle dahil hindi biro ang ulan.

Tinitigan niya nag payong niya at ginalaw galaw. Nakikiramdam siya kung kakayanin ba no'n ang lakas ng ulan at hangin.

Nilapag niya saglit ang nakabukas niyang payong at binuksan ang bag niya. Kinuha niya ang panyo at binalot niya sa cellphone dahil baka mabasa ang bag niya at madamay pati ang cellphone niya. Binalot na rin niya sa plastic iyon at sinama roon ang wallet niya. May plastic siya dahil kinuha niya iyon sa office.

Wala naman ng importanteng laman ang bag niya kaya okay na iyon kung sakaling mabasa.

Kukunin niya na sana ang payong niya nang biglang may dumaan na napakalakas na hangin dahilan para mapapikit siya. Ramdam niya rin ang ulan sa buong mukha niya na tumabing.

"Ano ba 'yan!" bulalas niya. Pagdilat niya ay halos manghina siya nang makitang nilipad na ang payong niya at mukhan nasira na.


Kinalma niya ang sarili at pilit na maging positibo lang.

"Okay lang 'yan Desiree, atleast hindi ka tinamaan ng kidlat."

Naghintay pa siya ng ilang minuto hanggang sa kalahating oras na ay wala pa ring tricycle. Mukhang wala ng pumapasada dahil sa lakas ng ulan.

Sabi sa balita ay mahina lang naman daw ang bagyo pero parang hindi naman sa nararanasan niya ngayon.

Hindi niya kasi mapapakisuyuan si Ricamae na sunduin siya at magdala ng panibagong payong dahil wala ito sa apartment, nasa pinsan niya ito sa quezon city.

Eh ang layo layo naman ng quezon city sa bulacan.

Mukhang wala talaga siyang magagawa kun'di magpaulan.

"Wala pa namang sampung minuto ang paglalakad hanggang bahay. Kaya mo na 'to Desiree kahit umuulan." Para siyang baliw na kinakausap ang sarili niya pero iyon lang ang paraan para lakasan niya ang loob niya.

Marami na rin kasing nag sara na store sa paligid. Mayroong gym na bukas sa tapat ng office nila pero sigurado siyang walang tinda na payong doon.

Napatingin siya sa ilaw ng gym dahil malaki iyon.

A.A FITNESS CLUB

Iyon ang nakasulat doon at halata niyang pang may kaya ang datingan.

Inalis niya na ang tingin doon at naglakad na. Sobrang ginaw na ginaw siya pero wala siyang magagawa. Yakap-yakap niya ang bag habang naglalakad sa medyo kadiliman na daan.

Nalayo na kasi siya sa gym na malakas ang ilaw sa labas. Ganito talaga pag probinsiya, sanay na siya.

Hindi naman na probinsiyang probinsiya ang bulacan dahil dumarami na rin ang mga establishment pero hindi pa rin maiiwasan na maaga magsara ang iba.

Chasing my Heart Thief [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon