Nakatulala siya sa tapat ng computer habang lumilipad pa rin ang isipan niya. Paano siya makakaget-over kung hindi niya inaasahan na sobrang expensive ni Arkin.
Parang hindi niya ito abot. Parang masiyado itong mataas para maging kaibigan niya. Hindi niya nga alam kung mag kaibigan na sila dahil may iba na silang nagawa.
Tama ba ang nasa isip ko? Friends with benefits ang tawag doon 'di ba?
"Ahh! Diyos ko po!" Ginulo niya ang buhok at sinubsob ang mukha sa desk. Mabuti na lang ay natapos niya na ang naka lista na gagawin niya ngayon. Mabubuang na siya, hindi na naalis sa isipan niya ang binata.
Paano ba naman hindi maaalis eh panay ang katok na nito sa apartment niya para tanungin siya kung bakit niya hindi sinasagot ang tawag nito. Siyempre may mga rason kung bakit hindi niya nasasagot minsan ang tawag nito.
"Gusto mong tulungan kita iuntog 'yang ulo mo sa pader? Kanina ka pa eh!" ani ni Alvhea sa kaniya. Napanguso naman siya at sinandal ang baba niya sa kamay.
"Alam mo 'yong friends with benefits?" tanong niya sa kaibigan.
"Siyempre! Sikat na palabas 'yon eh," ani nito nang matapos uminom ng milktea.
"Gaga! 'yong mismong meaning," sambit niya. Napatayo naman ito at nalalaki ang mata.
"May gano'n ka? Imposible! I mean, maganda ka at nakakaakit pero, wala sa itsura mo ang magkakaroon ng gano'n." Sumingkit ang mga mata nito at parang pinapakiramdaman siya.
"Date to marry ka na 'di ba?"
"H-hindi ko sinabing may ka-gano'n ako 'no! tinatanong ko lang kung alam mo," wika niya kaagad dito. Napainom siya ng tubig at iniwas ang tingin dito. "Natanong ko lang, paano kasi kung hindi kayo friends tapos may nangyari 'di ba? anong tawag doon? Stranger with benefits?" Kinamot niya ang noo niya nang tumawa si Alvhea.
"Aba'y ewan ko! Bakit mo ba natanong? Wala ka na namang magawa 'no?" natatawang sambit nito sa kaniya. "Ang bilis mo kasi magtrabaho eh. Minsan bagalan mo rin," dagdag pa nito. Napabuntong hininga na lang siya at hindi na nagtanong.
Mayamaya ay sabay silang nag dinner ni Alvhea at nang head nila sa office. Pagkatapos no'n ay pahinga na lang ang ginawa niya. Kaya gustong-gusto siya ng boss niya dahil mabilis siya kumilos at maayos. Gusto niya kasi organize siya sa lahat ng bagay dahil ayaw niyang nag pa-panic.
Kinalikot niya ang cellphone at napatigil nang makita ang contact number ng babaeng matanda na nagligtas sa kaniya. Pinindot niya iyon para matawagan, gusto niya lang ulit kumustahin.
"Hello lola?"
"Oh, napatawag ka? kumusta ka na?"
"Maayos naman po, masaya naman. Kayo po? Kumusta ka na lola?"
BINABASA MO ANG
Chasing my Heart Thief [ON-HOLD]
RomanceDesiree Egos is a beautiful woman who has a seductive brown eyes, pointed nose, small lips but plump and fairskin. She's living in the Bulacan at Mima's Apartment for almost four years. She's close to all the tenants there. She doesn't have to worr...