"Nakabalik ka na pala?" gulat na tanong niya kay Arkin nang dumeretso ito sa kwarto niya. Hindi pa naman siya natutulog dahil nanonood pa siya ng movie.
Niyakap siya ng mahigpit ng binata at siniksik nito ang mukha sa batok niya. Nabitawan niya ang cellphone at humarap dito para makita ng maayos.
"Bakit ka kasi umuwi kaagad dapat doon ka muna nagpalipas ng gabi. Ang layo tuloy ng byahe mo, nakakapagod." Hinalikan naman siya nito sa labi ng mabilis.
"I want to see you immediately. I miss you," ani nito.
"Parang ang tagal naman nating hindi nagkita. Ilang oras lang oh, wala pang 24 hours!" natatawang sambit niya rito. "Kumusta ang lola mo? Okay lang siya?"
"Yes. She's doing fine and great. They fooled me so mamita can see me. Nag-iinarte na naman siya. Literally the best actress in our family."
"Mabuti naman. Bakit ba kasi hindi mo binibisita ang lola mo?" Sa ilang buwan na nilang magkasama ni Arkin ay hindi niya pa rin alam ang dahilan kung bakit ito nagtatago. Hindi niya pa rin alam ang kwento dahil nawawala rin naman sa isip niya mag tanong.
Minsan kasi nakakalimutan niyang hindi niya lang ito simpleng kapitbahay kun'di isa itong sikat na businessman.
"She wants me... to get married as soon as possible. I runaway from her so she'll stop. I'm not ready to settle down, not now." Sinalubong niya ang mata nitong nakatitig din sa kaniya. Napapikit siya ng suklayin ng binata ang buhok niya.
"So? ngayong nakita ka na niya, pinipilit ka pa rin niya magpakasal? K-kanino ka ba niya ipapakasal?" lumunok siya dahil nautal pa siya. Hindi niya alam kung anong nararamdaman niya ngayon dahil pinag-uusapan nila 'to.
"She still want it but of course I'm not going to agree with that. Besides, mamita want to meet you."
"Huh?"
"Mamita wants to meet you." Natigilan siya at pilit inuulit ang sinabi nito sa isip niya at nang ma-realize niya iyon ay agad siyang napabangon sa pagkakahiga.
"Huh? Bakit ako? A-anong sinabi mo? P-paano niya ako nakilala?" Napahawak siya sa noo niya dahil sa pag pa-panic. Umupo rin si Arkin at hinawakan ang kamay niya.
"Chill," he chuckled. "I didn't say anything about you but they somehow know that somethings going on in me," he said and touched his nape.
"Sinabi mo naman na hindi mo ako girlfriend? Baka mag expect sila!" natataranta na ani niya. She and Arkin are just a thing, they are not in a relationship. Natataranta siya at kinakabahan dahil baka tanungin sila ng lola nito o kahit sinong pamilya. Hindi niya alam kung ano ang isasagot kung sakali mang matanong sila.
Arkin sighed. "They know. I said that you're not my girlfriend."
BINABASA MO ANG
Chasing my Heart Thief [ON-HOLD]
RomanceDesiree Egos is a beautiful woman who has a seductive brown eyes, pointed nose, small lips but plump and fairskin. She's living in the Bulacan at Mima's Apartment for almost four years. She's close to all the tenants there. She doesn't have to worr...