Kabanata 20

294 20 4
                                    


Ilang oras din ang binyahe niya para makarating sa cavite kung nasaan ang bahay ni lola. Dati kasi sa bulacan ito noong niligtas siya nito pero lumipat na ito ng cavite kaya puro sa tawag niya na lang ito nakakausap. 


Hindi na siya sigurado sa itsura nito ngayon pero ang boses nito ay hinding hindi niya makakalimutan. 


Bago siya umalis sa bulacan ay sinabi niya kay Ricamae ang nangyari para alam nito. Ito na rin ang sinabihan niya magsabi kay Aling Mima na babalik siya sa apartment pero hindi niya alam kung kailan pa. Ayaw niya rin kasi bitawan ang lugar na 'yon at isa pa may trabaho rin siya.


Mabuti na lang talaga mabait ang boss niya sa kaniya. Pinayagan siya nito mag work from home dala ang laptop ng kompanya. Pumasok siya sa isang eskinita at nakakita roon ng malaking gate. Hindi niya sigurado kung tama ba ang bahay na nasa tapat niya. 


Binuksan niya ang gate at nakapasok naman siya. Doon niya nakita ang may kalakihan na bahay pero bungalow type dahil single story lang ang bahay. 


"Lola?" tawag niya rito. "Lola! nandito na po ako?" Napakamot siya sa ulo dahil medyo kinakabahan siya. Pumasok siya ng gate tapos baka hindi pala ito ang bahay ni lola.



Pero imposibleng bahay 'to ni lola dahil alam niyang mas mahirap pa sa kaniya si lola.


"Oh nandito ka na pala!" Nanlaki ang mata niya nang makita itong may hawak na paso. Mukhang galing ito sa likod ng bahay at nag-aayos ng tanim. Tumakbo siya papalapit dito at inagaw ang bitbit.


"Lola naman! Bakit ka nagbubuhat ng ganito? baka mapano 'yang balakang mo," saway niya rito. Tinuro nito kung saan ilalagay iyon at nilagay naman kaagad.


"Magaan lang naman."


"Hindi ito magaan para sa'yo lola!"


"Kanina umiiyak ka lang, ngayon nagagalit ka na!" marahan siyang hinampas nito sa braso kaya napanguso siya. 


"Binaba niya ang bag sa isang kahoy na upuan. Pinagmasdan niya si lola, gulo-gulo pa rin ang buhok pero kahit papaano ay maayos naman ang itsura nito. 


"Lola umiinom ka ba? inuman tayo mamaya?" tanong niya habang tumatawa. Hindi naman ito ngumiti sa kaniya at seryoso lang siyang tiningnan.


"Huwag kang tatawa kung hindi naman totoong masaya ka. Niloloko mo lang ang sarili mo." Nawala ang ngiti sa labi niya dahil sa sinabi nito. 


Napabuntong hininga siya nang maramdaman na maiiyak na naman siya. Sinusubukan niyang pigilan pero niyakap siya ng matanda.


"Sige, iiyak mo. Huwag na huwag mong pigilan 'yan dahil mas masakit lalo," ani nito habang tinatapik ang likod niya.


Bumuhos ang luha niya at halos kalahating oras ata siya umiyak hanggang sa mapagod siya. Hindi na sila nakapasok sa loob ng bahay dahil sa kaniya.

Chasing my Heart Thief [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon