Minsan tatanungin mo yung sarili mo kung bakit ganyan ka, ganito ka na hindi mo rin maintindihan pero ayun yung nararamdaman mo. Sabi nila hindi lahat ng tao maiintindihan ka pero kasama ba yung sarili mo dun?
Gusti mo i-explain na ganito kasi ganyan pero parang ang dating lagi sa iba e ANO RAW? parang mas madali siyang sagutin gamit yung 'DI KO ALAM.
Alam mo yung pakiramdam na sinasabi nilang mali ka sa mga naiisip mo, ang nasa loob mo yung hindi ka mali pero parang di rin naman tama eh.
Magulo, oo magulo. Hindi maitama ng iba yung nararamdaman mong mali kahit ipaliwanag, ipakita, o isigaw pa.
Ganun mo siguro ibinaba yung sarili mo na parang lahat na lang sa buhay ay wala kang tiwala at pinapaniwalaan, kasama na sarili mo.
Parang lagi mo na lang ini expect na "Gago lahat sasaktan ka lang at ididisappoint ka lang balang araw.
Yung sobrang nag ke-crave ka sa perfection na pag napupunta dun e, palpak na. TANGINA NG MGA TAONG GINAWA AKONG GANITO at PUTANGINA RIN NG SARILI KO kasi hanggang ngayon kahit sarili kong anino ay iniiwan ako. Laging talo, walang pagpapahalaga sa sarili. Walang pangmatagalang suporta na saglitang tapik sa balikat pagkatapos itutulak din para madapa. GAGO DIBA?
Wala pa rin talaga.
Tangina bakit ako pinanganak na hindi tulad nila? Sobrang dami nga ng dapat ipagpasalamat sa buhay at nakita ko naman yun, thankful ako pero gago lang talaga sarili ko.
Pm ni Rizza.
Sept 6, 2023
BINABASA MO ANG
Thoughts
RandomMinsan ako, minsan yung nasa paligid ko. Minsan nasa isip ko, minsan narinig at nakita ko. Laliman at kababawan. Wala lang.