Dear oras at panahon,
Ang bilis niyo namang lumipas! Naknangteteng napapagod na ako maghabol sa inyo. Napapagod na ako sa kakasabi ng "If only i could turn back time," Nadapa ako! Pero patuloy kayo sa pag-ikot? Ang sakit! Porket ginto ka oras, nagyayabang ka na? Porket maraming naghihintay sa'yo panahon, nang-iiwan ka na? Likayo! Jojombagin ko kayo! Buti pa 'yung mga relo ko! Tumitigil silang lahat sa paggalaw, kapag tinatanggal ko 'yung baterya. Kasing laki ba ng baterya ng kotse 'yung inyo? Siguro nga, unli eh. Masakit! pero mahal ko pa rin kayo at importante pa rin sa akin, ngunit sorry! Minumura ko kayo ngayon. Ayaw niyo kasi akong pagbigyan e. Pampawala lang naman ng badtrip.
Love you both
Sulat ng nakatabi ko sa tricycle. Sabi niya..."Paki post naman 'to sa wattpad. Malayo ang post office at hindi ko alam ang email add nila,"
BINABASA MO ANG
Thoughts
DiversosMinsan ako, minsan yung nasa paligid ko. Minsan nasa isip ko, minsan narinig at nakita ko. Laliman at kababawan. Wala lang.