Salita

96 0 1
                                    

9/ 12/ 2014

Mga letra na nakakabuo ng salita na pag pinagsama-sama ay nagiging pangungusap. Minsan hindi natin pansin ang kahalagahan nito, kahit na sa araw-araw ay gumagamit tayo nito.

Para sa akin, ang salita ay parang isang Espada. Ibigay mo sa ibang tao ito ng maayos at maari mong mabigyan sila ng pang-protekta. Lakas ng loob kapag may sandata diba? Ngunit! sa maling pag-wasiwas nito o paggamit, pawang nakasaksak o nakagawa ka na ng malalim na sugat sa iba. Oo, nagiging matapang sila sa galos na matatamo nila. Kapag malalim, baka mamatay sila. :p

Maraming ikinasal dahil sa salitang Oo Marami ring naghiwalay dahil sa Pagod na 'ko!

Maraming lumaban dahil sinabi nilang Kaya mo yan! Maraming sumuko dahil binigyan sila ng malalakas na Hahaha! Wala na yan!

Maraming nagkabati sa Patawad, kasalanan ko. At hindi na nagkapatawaran sa Bahala ka sa buhay mo!

Oo. Lahat ng sinasabi natin, ay dala ng damdamin. Pero hindi masamang gamitan ng pag-iisip. Hindi porket galit ka, mumurahin mo na ang taong nakasalubong mo sa plaza, take note, 'di mo siya kilala.

ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon