Basta

54 0 0
                                    

1-22-17

Kanina habang nasa trabaho bigla akong inatake ng lungkot. Maraming dahilan at hindi ko na siguro kailangan pang isa-isahin.

Lumayo tayo sa taong may gawa ng akdang 'to.

May tanong ako.

Saan nga ba nagiging masaya ang tao? Ano nga bang paraan para maging masaya? Lagi namang may simpleng kasagutan diyan diba? Sabi ng nakararami sa mga simpleng bagay. Sa mga bagay nga ba? Sa mga literal na bagay? Materyal na bagay? Mawawala rin yan. Hindi naman tayo nakukutento. Panandaliang kasiyahan siguro Oo.
Wala naman talaga kasing permanente sa mundo. Darating talaga yung oras na luluhod ka sa mga tala, aagos ang luha at tatawagin mo ang lahat ng santo.

Ay basta! Ngayon lang 'to.

ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon