Pag-uusap

264 2 0
                                    

Ako: Ano ba'ng problema?

Siya: Napapagod na ako.

Ako: Saan? Pwede ko bang malaman?

Siya: *Huminga ng malalim* Naranasan mo na bang maiwan ng Bus sa fieldtrip niyo?

Ako: Hindi. Pero nakakainis 'yun! Literal ba na 'yun ang pinoproblema mo?

Siya: Syempre hindi. Ganun lang ang pakiramdam.

Ako: Ang lalim.

Siya: Nakakainis, nakakapang-hina, nakakaiyak. Nakakabanas na nasayang ang bayad mo sa fieldtrip. Nakakaiyak na naiwan ka. Sila masaya, ikaw naiwang lumuluha. Sila nakarating naro'n, ikaw hindi.

Ako: Ah! Naiintindihan ko. *Bumuntong hininga* Masakit nga 'yun.

Siya: Sinubukan ko nang mamasahe, pero hindi talaga ako makarating duon.

Ako: Payo ko. Wag kang tumigil sa pamamasahe. Kung hindi mo makuha by land, bakit di ka mag-eroplano? *natawa* Ganun talaga kapag may pupuntahan..Minsan magkakaaberya. Kukulangin pamasahe mo, mawawalan ng gasolina, masisiraan kayo o kaya matatraffic ka. Wag kang maiinip, maghintay ka. Uusad ka rin, aandar rin ang sasakyan. Mapupuntahan mo rin ang napuntahan nila. At dahil namasahe ka, mas marami kang mapupuntahan kaysa sa kanila.

Siya: *minura ako* pinapaiyak mo ko. Salamat.

Pag-uusap nina B1 at B2.

ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon