Mga Bagay Bagay

49 1 0
                                    

Hindi maganda. Hindi ka raw magiging masaya.
Paano nga ba?

Kapag bata ka kasi mabilis kang maniwala. Mga hindi nag eexist, mga kathang isip lang. Mga bagay na masaya kahit hindi mo nakikita sa sarili mong mga mata. Wala. Ramdam mo lang.

Duwag? Oo duwag. Nasaktan, nadala, pwede.
Isang beses? Dalawa? Kahit ilan pa. Masakit? Oo yun, masakit.

Hindi matigas yung ulo ko. Mabilis akong sumuko at alam kong mali pero, ito ako. Mabilis akong mapaniwala pero mabilis din yung mawala. Paano ka nga raw ba sasaya kung hindi mo susubukan? Kayo na lang siguro.. Hindi ko na sasagutin yan, kayo na lang na mga patuloy na naniniwala diyan.

Hindi ako masaya pero di rin naman malungkot. Sapat na yun.

May 11, 2017

ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon