Gamo-gamo story

258 2 4
                                    

Nung isang gabi at antok na antok na ako, umulan.

Habang papikit na ako, napansin ko na 'yung gamo-gamo, isa...dalawa...unti unti silang dumadami. Na-attract sigurado sila sa ilaw ng kuwarto. Hindi kasi ako nag-papatay ng ilaw kapag gabi. Takot ako sa dilim :D Tumayo ulit ako, para tingnan kung nakasara lahat ng bintana. Eh nakasara naman pala! nakapagtataka!

Pinatay ko 'yung ilaw saglit, pero 'di ko kaya. :D hanggang sa makita ko ang superhero ng kisame. Si Butiki

Takot ako sa butiki. Nandidiri ako, 'di ko alam kung bakit. Basta! Pero noong gabing 'yun, friends kami.

Sabi ko, "Sige kainin mo lahat 'yan!" mukhang naintindihan naman niya. Kinain niya lahat nang napapalapit sa kanyang gamo-gamo.

Maya-maya tumigil na siya. Na-empatso na ata. Nainis ako sa kanya, sabi ko "Rawr!" natakot, nagtago sa frame. Hindi na kami friends. War na ulit kami.

Ayun! Wala akong nagawa sa mga gamo-gamo. Pinabayaan ko nalang silang mag-ikot-ikot sa ilaw.

Kinabukasan, nakabagsak na sila sa sahig at ang mumunti nilang pakpak. Isang araw lang ba ang buhay nila? Hmmm, igu-google ko next time.

THE END

ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon