1-31-16
Parang ganito:
-Parang kahit saan ka tumingin nandun siya, kahit wala naman talaga siya.
-Parang walang ibang tao sa paligid, pag nandiyan siya. May tunnel vision ka ata te, glaucoma na 'yan.
-Pag nandiyan siya, 'yung heartbeat mo lumalagpas sa 120 bpm.
-Salita at tawa niya musika na sa pandinig mo.
-Sa tuwing tinititigan ka niya, nagiging magkasing kulay kayo ng tomato sauce.
-Kahit anong itsura niya, maappeal at kaakit-akit pa rin siya para sa'yo.
-Paggising at pagtulog, mukha niya nasa isip mo.
-Hindi mo makalimutan 'yung saglit at aksidente lang na nahawakan niya 'yung kamay mo dahil naghingi siya ng papel sa'yo. Ayaw mo na nga atang maghugas ng kamay!
-Parang nag slow mo ang lahat nung pinulot niya yung gamit mong nagkawatak watak sa sahig, natunaw ka nung tumingin siya sa'yo after nun. Lol!
-Daydream ka ng daydream na sa susunod na banggitin niya yung pangalan mo ay may kasunod na "Gusto kita" at syempre ambisyosa ka, "Mahal kita" haha!
Eh hanggang pangarap ka na lang kasi ni hindi nga kayo close eh Lol! Ayos lang 'yan! Ibig pa more!
BINABASA MO ANG
Thoughts
RandomMinsan ako, minsan yung nasa paligid ko. Minsan nasa isip ko, minsan narinig at nakita ko. Laliman at kababawan. Wala lang.