Relasyon ng isang babae at isang lalakeng punong puno ng pagmamahal sa isa't isa. Walang makakahadlang sa pag-iibigan nilang dalawa. Ang cliché diba? Alam ko yun, naramdaman ko yun. Masaya? Masaya. Masarap? Masarap.
Mainlove. Mahalikan. Mayakap. Chocolate. Sweet messages, Flowers at kung ano anong ka-sweetan meron yung syota mo. Nakakatuwa naman talaga diba? Tumitigil ang mundo 'pag magkasama kayong dalawa. Parang kayo lang ang tao sa mundong ibabaw.
So bakit relationsht? Sa sarili ko lang naman' to. Wag mo na lang basahin kasi mababadtrip ka lang. Maiinis ka lang sa mga sasabihin ko. Hindi na ako naniniwala sa relasyon relasyon. Boyfriend girlfriend ect kaya siguro ako nahihirapan sumulat ngayon at ipagpatuloy yung mga stories ko. For sure. Hindi ko na kasi mafeel. Hindi ko na maramdaman. Hindi ko ahmmmm... Siraulo talaga ko.
Walang forever. Ang fairytale sa libro at tv lang, hindi pwede sa totoong buhay. Lahat nagbabago. Lahat nawawala. Lahat temporary lang. Walang panghabambuhay.
Sige na bitter na ko. Babawiin ko kaya 'tong sinabi ko? Ewan ko walang forever e.
Tuloy ang istorya...
October 27, 2016
BINABASA MO ANG
Thoughts
RandomMinsan ako, minsan yung nasa paligid ko. Minsan nasa isip ko, minsan narinig at nakita ko. Laliman at kababawan. Wala lang.