Inom pa

236 2 5
                                    

8/ 5/ 14

Nung isang araw, uminom kami, kasama ang mga kamag-anak ng asawa ng ate ko [Pinsan ko]

may okasyon kasi.

Matapos,

Dalawa kami ng tita ko at ang apat na taon kong pamangkin ang magkasamang umuwi.

Nahihilo na talaga ako, nag-do-double vision na ako, pero nakakapaglakad pa rin ako ng tuwid [feeling ko tuwid] Tsaka keri ko pa.

Si tita, parang lasing na, kasi tawa na siya ng tawa. :D

Sinabihan ako ng ate ko [pinsan ko] "Ikaw na bahala diyan ah," Pagkasakay namin ng jeep, sila tita lang ang nakaupo sa loob. Ikot uli ako para makaupo sa harapan. Pag-kaupo, nasanggi ko pa 'yung katabi kong babae na katabi lang nung driver. Sabi niya "tsk!"…Natawa ako, kasi nag-peace sign lang ako. :D Nahulog ko pa 'yung sampung piso, kinatamaran kong pulutin kasi double vision nga. Tsaka gabi na, madilim.

Pag-kababa namin, hinawakan ko kaagad 'yung pamangkin ko. Si tita naman, tahimik lang. Akala ko, nawala na 'yung amats niya.

Pagkauwi, hindi rin nahalata nila mudra na lasing ang lola niyo. :) dumiretso kasi ako sa kuwarto.

Tapos ayun!…iyak--tawa.

Kinabukasan, sabi ni tita 'di niya raw maalala kung paano kami nakauwi pagkatapos naming bumaba ng jeep. hehe.

Ako? Naalala ko naman lahat. Ganun kasi talaga ako kapag umiinom.

Pero, mayroon pala talagang mga taong may nalilimutang pangyayari kapag lasing Hmmm…

Kaya ingat. Drink moderately.

ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon