Nursing Life

188 3 0
                                    

Do you want to be a nurse?
Do you want to share TLC or Tender Love and Care.

I've finished BSN at Secret.
sa totoo lang hindi ko gusto maging nurse, it was my parents choice at dahil nung time na yun ay undecided pa ako kung ano talagang kukunin ko at talagang naipilit sa akin ni mudra iyon ay ayun ngangabels, kain lupa.

Noong una ay okay lang, subjects na pang high-school na kung tawagin nga eh "minors" pero nung nasa kalahati na ay ayan na ang kalbaryo. Ang mga majors.

Masaya naman actually kapag magaling ka magkabisado sisiw lang sayo tulad ng parts ng bones, muscles, brain na need mo i memorize at ang tawag namin diyan ay Anatomy.

Kalaunan hindi pwedeng alam mo lang ang parts dahil you also have to know the functions like for example ang occipital lobe sa brain ay for vision.

Kalaunan, pag-aaralan niyo na yung mga sakit from a simple fever to communicable diseases/ mga nakakahawang sakit at mga from benign to malignant, dahil bawat parts ng katawan ay nakakalokang may mga maaaring tumamang sakit.

Malalaman mo ang cause ng sakit, ang mga tinatamaan nito, kung pano ito naipapasa at ang gamot dito. You have to remember the DOC- drug of choice.

Kalaunan, magiging malalim pa kayo dahil sa malalalim na terminology at subjects na magpapadugo sa brain cells mo.
Angina pectoris
Retrolental fibroplasia
Hirschsprung disease
Phytomenadione
at marami pang iba na madalas mali ang pagkaka spell ko.

Sa nursing hindi pwedeng sa classroom lang kayo dahil kailangan mong mafeel ang ambiance ng hospital. Kailangan mong maexperience at matuto sa actual situation. Maging magalang ka dapat sa pasyente habang tinatanong ang pangalan niya at kung anong masakit sa kanya na kahit minsan ay naiinis na sila at kulang na lang ay suntukin ka niya dahil sa na-aalibadbaran na siya sa'yo.

Yung Duty na yan ang pinaka mahirap sa akin dahil diyan na-test ang pasensiya ko at ang pagiging matiyaga ko at kung ano ang alam mo.

Sa Nursing hindi pwede padalos dalos ang kilos dahil bawat ginagawa sa pasyente dapat pinag-iisipan at kapag hindi sigurado dapat magtanong. Buhay kasi ang binabantayan namin at hindi madali yun dahil simpleng mali maaring lumaki kaya magtanong sa nakakaalam kapag hindi mo alam at yun ang sagot.

Itong course na ito na halos ituring kong curse ang nagbigay thrill sa buhay ko.
Naranasan namin makipagusap sa mga may Mental disorder/problema sa pag-iisip.

Makakita ng alam niyo na katapusan ng buhay, mapagalitan ng doktor, ng clinical instructor at ng pasyente.

Magtakutan sa Hospital, mag-duty ng 11pm hanggang 5am, makakita ng dugo, nana at kung ano ano pa. Magpaanak at makitang maligaya ang mag-asawa sa bago nilang anak at makipaglaro sa isang batang may malalang sakit na punong puno ng pag-asa.

Lahat naman ng Course may mahihirap na parte, pero sigurado ako yung mga parteng yun ang di niyo malilimot.

Mahirap pero Masaya, saan ka pa?
Nursing rin ba course mo? Kaya mo yan!

December 2, 2013

ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon