Dahil nag-load ako kahapon sa SMART pang-text
1/2 For loading yesterday, here's your FREE Fortune Cookie: "We could all take a lesson from the weather. It pays no attention to criticism."
Ito ang pinaka-unang beses na ako'y naapektuhan sa pinapadalang Fortune Cookie ng smart. Palagi ko'ng binubura ang iba, dahil nasasabi ko palaging "Alam ko na yan!" "Asus! narinig ko na 'yan!" "Wala namang naitulong!"
Ngayon grabe ang tama nito sa akin. Tumagos, bumaon, na parang pako sa manipis na plywood.
Ano nga ba'ng pagkakaintindi ko?
May aral daw na mapupulot sa panahon. Hindi daw nito pinapansin ang mga salitang ipinupukol sa kanya. Mapa-maganda o panget pa.
Bakit nga ba?
Sobrang init! Nakakapaso! Masakit sa balat! Halos sumpain nga natin ang araw sa pagrereklamo.
Kapag hunyo, hulyo at dumarating ang tag-ulan, wala namang tigil ang buhos nito, nagiging banyera ang pilipinas, parang malaking swimming pool.
Hindi ba, lagi natin sinisisi ang pabago bagong panahon sa tuwing nag-kakatrangkaso tayo? Nag-kakahika o kung ano pa mang sakit na naidudulot ng panahon.
Tumigil ba sa pagsikat ang araw, sa tuwing sinisisi natin siya? Tumigil ba ang ulan nang mag-mura ka dahil sa napalusong ka sa baha?
Nagkaroon ba ng instant bonfire sa langit nang ginaw na ginaw ka sa panahog malamig? Hindi diba? Patuloy lang siya. Magsayaw ka man ng sun-dance, umiyak habang nagpapakabasa sa ulan, kung ano ang panahon ngayon, 'yun 'yon.
Hindi siya magbabago dahil sa sinabi mo. Magpapatuloy siya sa ginagawa niya. Kiber.
Ngayon i-apply mo sa buhay mo.
Wag paapekto. Madami talagang babato sa'yo, parang PANAHON.
BINABASA MO ANG
Thoughts
De TodoMinsan ako, minsan yung nasa paligid ko. Minsan nasa isip ko, minsan narinig at nakita ko. Laliman at kababawan. Wala lang.