Pangarap

289 3 2
                                    

6/ 2014

Pangarap? Diba 'yun 'yung gusto nating marating. Mangyari sa buhay natin. 'Yung gusto nating maging, makamtan, maabot, magawa.

Lahat tayo may pangarap. 'Yung iba bongga, 'yung iba simple lang.

May napanood nga ako sa T.V. Isang bata na tinanong kung anong gusto niyang maging paglaki. Ang sabi niya "Maging tindero ng fishball," ang payak diba? Pero pangarap parin 'yun. Swerte niya kasi, medyo madali dali 'yun. Eh ako? Nganga! Ang taas ng pangarap ko. Nakakalula sa taas. Hindi ko na sasabihin baka kasi may makakilala sa akin. :D Unique kasi 'yung pangarap ko. Wahaha!

Sabi kasi ng Prof namin dati sa Pharmacology, kung mangangarap kayo 'yung mataas na. Para kapag di mo narating 'yung tuktok, atleast nasa itaas ka parin.

Subalit aminin natin, hindi ganoon kadali marating 'yun. Minsan nga parang napaka-imposible na eh. Para bang pinangarap mong sumunod sa yapak ni Asia's song bird, samantalang kapag kumakanta ka sa bahay niyo nang pagkalakas-lakas ay halos sumpain ka na ng mga kapitbahay niyo. wag mo nalang silang pansinin, mga hadlang sila. :p

Pampalakas loob nalang. Isipin mo nalang na ang pangarap mo ay nasa pinaka-tuktok ng isang building. Mataas diba? 'Yung mga sinuwerte, mabilis nakaakyat gamit ang elevator. At ikaw? kung nahihirapan ka ngayon, siguradong hagdan ang gamit mo. Matatagalan, nakakapagod, pero duon rin naman ang punta nun.

Wag kang susuko. Malay mo, nasa kalahati ka na pala. bababa ka paba? Sayang!

Although, may pinaniniwalaan ako'ng hindi lahat ng pangarap ay natutupad. Pero siguro naman may narating ka parin kahit papaano sa pag-akyat mo. Tiwala lang. :))

ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon