Dear Mister Pag-asa

255 2 0
                                    

Dear Mr. Pag-asa,

Kilala mo ba si Philippine atmospheric, geophysical astronomical services adminstration? Wala lang naman, anong meaning nung sa'yo?

Napasulat ako, dahil naiinis ako sa'yo!  Nagtatampo! Nababadtrip na rin. Minsan andiyan ka, pero biglaan ka nalang nawawala. Minsan inaangat mo ako mula sa pagkakahalik sa lupa, pero bigla mo akong binibitawan! Baliw ka? Sa sementadong hagdan pa! Bwisit! pagulong-gulong ako dun! Dumugo 'yung pisngi ko at ilong ko, siraulo ka.

Kapag andiyan ka, pakiramdam ko, kakayanin ko ang lahat. Kahit pa, ang pag-bubuhat ng malaking marmol duon sa ginagawang mall. Kapag wala ka, 'yung bulak nagiging mabigat. Gets mo ba? That is figuratively speaking :))

Sana malaman mong napapa-slouch ako, kapag wala ka. Sana mahila mo ako mula sa pagkakadikit ng likod ko sa bed sheet ng kama. Sana mahatak mo ako muli sa kumunoy na parang vulca seal na sa sobranga malagkit at madikit, dahil ayaw na matanggal ng aking feet. Sana bumalik ka na, Na-mi-miss na kita.

Na-aapreciate ko naman ang pagdating mo e. Sa susunod magpapaparty ako, promise! Love you!

Nagmamahal

Ms. Tanny

Sulat nung basurera. Nag-house to house kasi sila. Sabi niya, "Sa'yo nalang 'to, hindi ko kasi siya mahanap e,"

ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon