October 7, 2015
Tama na muna sa pagiging emo.
Nakakasawa na sa araw araw na lagi mong inaalala 'yung mga problema mo. 'Yung mga wala ka namang mahagilap na solusyon at di masosolusyunan sa pag-aalala at pag-iisip mo diba? Wala naman talagang magagawa 'yun. Pasasakitin lang ulo mo.
Diba ang sarap lagi uminom kapag may mga oras na hindi na kaya. Nandiyan 'yung, lahat na masusungitan mo dahil bad vibes ka. Hindi ka masyadong makikipagusap, makikihalubilo. Inaamin ko, ganun pa rin ako minsan. Ang hirap kaya magpakapositibo kapag lahat ng nakikita mo negatibo.
Pero ang sarap lang matulog ng mahimbing. 'Yung dedma ka muna sa mga kalokohan ni earth. 'Yung mag focus ka muna sa ikasasaya mo. 'Yung feeling na, "walang makakasira sa good vibes ko."
Oh my gosh!! Peace of mind!!! That's what i'm talking about. Chos!
Alam mo 'yung episode sa spongebob na ipinakita 'yung nangyayari sa loob ng utak niya. Yung nasunog nung mga mini version niya lahat ng papel na naglalaman ng memories at kung ano-anong ka-echosan, tapos muntanga siya after diba? Haha! Jk.Basta ayun na 'yun. Wag mo nang isipin kung 'di ka niya naman naiisip chos! #hugotlang. Wag nang mag alala, walang magagawa 'yan.
BINABASA MO ANG
Thoughts
RandomMinsan ako, minsan yung nasa paligid ko. Minsan nasa isip ko, minsan narinig at nakita ko. Laliman at kababawan. Wala lang.