8/ 2014
Naalala ko lang, noong uso pa ang goma. Hindi pang-loombands, kun'di 'yung ginagamit pang 1by1 na minsan rin ginagamit pang jumping rope.
Naalala ko lang, noong uso pa 'yung VHS at naging paborito ko ang movie na Matilda at Baby's day out. Isama mo na rin ang pinocchio
Naalala ko lang, noong nagkalat ang goma at chalk sa kalsada, dahil sa paglalaro ng Piko.
Naalala ko lang, cellphone ko'ng may antenna.
Naalala ko lang, uso pa 'yung kisses. Hindi 'yun halik. Sabi ni Ate na nagtitinda nung bilog-bilog na maliliit na may iba't ibang kulay na mabango. "nangingitlog 'yan!"
Naalala ko lang, 3310 na cellphone ko na araw araw ko'ng pinapalitan ng casing.
Naalala ko lang, hindi pwedeng mag-selfie sa camera, dahil mahal ang film. Matagal na proseso, bago mo makita ang pagmumukha mo.
Naalaa ko lang, Wala pang Google at Computer. Si Encyclopedia at Dictionary ang friend ko. Charot!
Naalala ko lang, casette palang ang source ng libreng musika. Nirerecord nalang sa tape. Minsan may problema sa rewind, kaya iniikot nalang ng lapis at ballpen.
Naalala ko lang, Karaoke palang.
Naalala ko lang, Lulusot ang daliri mo sa typewriter.
Naalala ko lang, grabe! uso textmate at kung ano-anong quotes messages.
Naalala ko lang, Puno ng aratilis at duhat.
Naalala ko lang, mura palang ang coke in can, pamasahe at ect..
Naalala ko lang, ang paboritong apo ni lolo na si karen.
Naalala ko lang, ang commercial rin tungkol kay kuya na nakita muli ang minamahal niya sa isang fastfood. Na kahit may asawa na ito aniya "siya parin ang first love ko,"
Naalala ko lang, Hale, Cueshe, Sugarfree, E-heads, Parokya ni Edgar, Callalily, Itchyworms, Sponge Cola, Sandwich, Soapdish ect…ect… Sila 'yung paulit-ulit na maririnig mo sa radyo.
Ano to'ng chapter na 'to? Wala lang.
BINABASA MO ANG
Thoughts
RandomMinsan ako, minsan yung nasa paligid ko. Minsan nasa isip ko, minsan narinig at nakita ko. Laliman at kababawan. Wala lang.