Eto ako

254 2 0
                                    

°Kumakanta ako sa harap ng salamin. Minsan sinasabayan ko lang 'yung kanta, iniimagine ko na singer ako.

°Mahilig akong mag-daydream. Nasa Jeep at kahit saang lupalop, basta may tugtog.

°Pag-naglalakad ako, at nagsosoundtrip gamit ang earphones, iniisip ko na gumagawa ako ng Music Video.

°Bakla, Bading, Beki, ang kadalasang tawag sa akin ng mga kaibigan ko. Madalang lang sa pangalan. Ganun din ako sa kanila.

°Tamad ako. Minsan, Kaya kong hindi tumayo sa kama ng buong araw. Pero hindi pwede, kaya 'di ko pa nagagawa.

°Mahilig akong manood ng mga movies tungkol sa Assasins at mga Undercover agent. Astig eh.

°Masayahin daw ako. May kaklase nga ako dati na tawag sa akin. "Tawa"

°Kapag tumahimik ako, galit ako. Nahurt ang lola niyo.

°Kinakausap ko ang sarili ko, kapag nakaharap sa salamin. Please wag niyo akong i-pa-mental. Inaadmire ko lang ang sarili ko...Charot.

°Simula nung nag nursing ako, mas nalaman ko na napakaraming germs sa paligid...kaya simula nun, naging maarte na ako sa binibilihan ko ng pagkain.

°Madalas ako'ng naka mahabang shorts at malaking t-shirt sa bahay. Hindi talaga ako girly-girl.

°Hindi ako gala. Sapat na sa akin na manood ng pelikula o TV o kaya mag-computer.

°Maawain ako.

°Hindi ako pala-simba, pero nagdarasal ako. With sincerity!

°Bata palang ako, matipid na ako. Alam ko nang mahirap kumita ng pera.

°Mababaw ang luha ko. In-short, iyakin ako.

°Maganda ang mudra ko. Ako? Hindi :'( Iyak na lang. Hahaha!

°Baliw ako.

ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon