Madalas akong humingi ng signs
pero sa pagkakataong 'to, hindi na kailangan. Alam mo naman na yun diba? Alam mo nang hindi na maaayos pa ang mga bagay na magulo Mga bagay na magpapalala lang. Magpapagulo lang sa dati nang magulo. Sa nga bagay na alam mong hindi mo naman mahahanapan ng solusyon. Sa bagay na matagal nang hindi nasagot na umasa kang masasagot pero lumipas na ang araw at buwan kakahintay pero WALA. Wala talaga. Wala talagang sagot. Hindi ko naintindihan. Pasensiya na! Hindi ko maintindihan.Wala nang dahilan para umupo pa. Namimitig na ang paa ko. Masakit na. Napagtanto ko na hindi mo makikita ang sikat ng araw kung mananatili ka sa loob ng kwarto mong walang bintana, nakahiga at nakatalukbong ng kumot mong makapal.
TAMA NA. Tatapusin ko na.
December 22, 2016
BINABASA MO ANG
Thoughts
RandomMinsan ako, minsan yung nasa paligid ko. Minsan nasa isip ko, minsan narinig at nakita ko. Laliman at kababawan. Wala lang.