1. Tinatamad siya. As in wala talaga siya sa mood mag type. Gusto niya lang matulog maghapon.
2. Baka pagod. Busy. Madaming ginagawa.
May work? Nag o-overtime. May pasok sa school, may school projects, may long quiz kaya nag-aaral o kaya naman bagsak babawi sa finals.3. Walang idea. Wala. Hindi na niya alam kung anong isusunod niya sa story niya. Baka 'pag pinilit niyang gumawa yung romance maging horror.
4. Sobrang daming ideas. Sa sobrang dami, gusto niyang gumawa ng bagong story. Hala sige gawa ng bago tapos nakalimutan na yung ongoing story niya.
5. Malas. Nasira yung cellphone, yung laptop. Baka walang Internet. Ang masakit? Nabura niya yung update niya.
Kaya balik tayo sa umpisa wala na siya sa mood mag type. Hehehe.
4-12-17
BINABASA MO ANG
Thoughts
RandomMinsan ako, minsan yung nasa paligid ko. Minsan nasa isip ko, minsan narinig at nakita ko. Laliman at kababawan. Wala lang.