Drawing

160 0 0
                                    

October 10, 2015

Alas dose na ng gabi. Hindi ako makatulog! Sinubukan kong magsulat pero paunti-unti lang 'yung nagagawa ko. Lumibot lang 'yung mata ko sa apat na sulok ng kuwarto ko, nang mapansin ko 'yung drawing na inaalikabok na pero nakadikit pa rin sa pader ko. Haha! Hindi ko siya matanggal eh, rugby ba naman 'yung pinandikit ng kung sino mang baliw. Tawa much!

Wala siyang kulay. Simpleng ginuhit lang gamit ang ballpen. Oo na! Ako ang nag-drawing. Hindi ko maalala kung highschool ba ako nung mga oras na ginuhit ko 'yan pero, naalala ko 'yung iilan sa naiisip ko nung mga panahong 'yan.

Napangiti talaga ako nung maalala kong iyan 'yung gusto kong tirahan pag tumanda na 'ko. Malapit sa dagat, simpleng kubo lang na may balkonahe at nakakatawa talagang may gubat pa sa likod. Gubat iyan 'di lang halata lol! Naisip ko kasi, syempre diyan maraming makakain. Hahahahaha! Laugh trip talaga!

Halatang mahilig ako sa ulan diba? Kasi umuulan sa ginuhit ko. Naka gown pa ata ako diyan chos! Nakatalikod as usual, ayaw mag pa-picture.

Pero nalungkot din ako habang tinititigan ko 'yun. kasi... Basta. Huhuhu haha!

ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon