Tikom

18 1 0
                                    

Hindi naman masama magsalita pero nakakasakit yata ko. Naapektuhan ko yung mood nila nagiging iba yung dating nung sinasabi ko, madalas? palagi. 

Mali ka kasi yata. Iba talaga. Gusto mo sana iexplain yung punto mo pero lumiliko lagi, hindi tumutuwid, kung san san napupunta, kung ano ano nagiging kahulugan. 

Ang panget. Sobrang panget ng dating sa kanila, hindi sila nakakaintindi? o baka malabo ka lang talaga. Nagiging masama ka lang sa pag eesplika. Malulungkot ka lang sa sagot nila, masasaktan mapapahiya, mababadtrip, madidisappoint, mawawalan ng gana, hanggang sa iisipin mo na lang talaga na na sa sayo siguro talaga yung problema. Nasa sarili mo. 

Tikom mo na lang bibig mo tapos, tara dito.


10-13-20

ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon