Oo kayo. Kayong mga lalake.
Sige, wag nating i-generalize.Kayong mga paasa.
Alam kong may mga syungang babae na mabilis ma-fall sa mga sweet words lang. Hindi big deal yun diba? kasi nga naman sabi niyo, natural sa inyong mga lalake yun. Natural na maging gentleman at mag care sa aming mga babae. Natural na maging sweet paminsan minsan. Sige, palagpasin natin yun.Alam niyong mahina kami. Alam niyong sa physical na lakas pa lang ay mas lamang na kayo at katangahan naman na hindi niyo alam na emosyonal kami. Puno kami ng kadramahan sa buhay. Sensitive kami, hindi lahat ganun pero kung icocompare sa inyo, bulak kami, bato kayo.
Sensitive. Emosyonal. Malambot kami at kung may matigas mang babae, okay sige na, nag e exist yun pero, wala talaga kung ikukumpara sa inyo.
Tama na, didiretsahin ko na kayo. Kung hindi kayo sigurado sa feelings niyo at kung bored lang kayo, utang na loob wag kami. Kung naattract ka lang sa kung anong nakita mo sa pisikal na anyo namin, wag kami. Kung interesado ka lang sa'min dahil sa kung anong kawalang kwentang dahilan mo or palusot mo dahil ang totoo ay may gusto ka lang makuha sa'min, wag kami.
Kung nalulungkot ka lang at gusto mo lang nang makakausap, andiyan si simi simi. Please lang, linawin mo kung anong pakay mo. Diretso.Yung mga naiiwan sa ere, nahuhulog yun at nagkakadurog durog. Siguro naman, alam niyo yung masakit?
Yun lang.
BINABASA MO ANG
Thoughts
De TodoMinsan ako, minsan yung nasa paligid ko. Minsan nasa isip ko, minsan narinig at nakita ko. Laliman at kababawan. Wala lang.