Tsokolate

101 0 0
                                    


GP: Mahilig ka sa chocolate diba?

Ako: Oo, bakit?

GP: Bigyan kita ng sitwasyon.

Ako: Akala ko bibigyan mo ko ng tsokolate. hehe! Sige na! Kwento ka na.

GP: Anong nagagawa ng isang chocolate sa buhay mo?

Ako: *mulat mata at nag-isip* Kapag stress ako, malungkot, napapasaya ako nun. Bakit?

GP: Kung ganon, mahal mo ang tsokolate?

Ako: *natawa* Oo mahal ko si tsokolate. Bakit nga?

GP: Paano kung sa tuwing kumakain ka ng chocolate, napapasaya ka nga pero lumalaon ay napapasama nito ang pakiramdam mo. Nagkakasakit ka. Anong gagawin mo? Tandaan mo, mahal mo si chocolate.

Ako: Kung hindi naman pala nakakabuti sa'kin, e di titigilan na ang pagkain. Magkakasakit kasi ako e, baka ikamatay ko pa. *natawa*

GP: Paano kung gawin nating taong mahal mo si tsokolate? At ganun rin ang sitwasyon. May oras na napapa-sama nito ang kalooban mo at ang pakiramdam mo. Lumalalim ang sakit sa tuwing nagkakasama kayo. Anong gagawin mo?

Ako: Ewan ko.

GP: *nang-batok sabay tawa* Basag trip ka!

Ako: *nang batok din* Basag ulo ka! *natawa* Sabi ko, Eewan ko. *natawa ulit* Minsan kailangan din nating iwan ang taong mahal natin lalo na kung palagi lang nila tayong nasasaktan. Hindi 'yun dahil sa, nawalan na tayo ng pag-mamahal sa kanila. 'Yun ay para lamang mapahalagahan naman natin ang sarili natin. Tama na kung masakit na. Diba?

GP: Ayiieee naks!

Ako: Naks mo mukha mo!

*Sabay na tumawa*

Mahina lang ang batukang naganap.

ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon