Pakopya 47

11.8K 416 98
                                    

To my old readers who haven't read the whole ending of Pakopya, please reread Pakopya 46. There is an added part. If you're using Wattpad app, make sure that your library/Pakopya is updated.

-----------

Halos hindi ko maramdaman ang katawan ko. Namamanhid ito dahil sa sakit at pagod. Sobrang bigat rin ng aking mga mata pero sinubukan ko pa ring imulat ang mga ito.

Sinalubong ako ng nakakasilaw na ilaw.

I groaned. Parang pinapalakol ang ulo ko sa sobrang sakit. Sinubukan kong hawakan ang ulo ko pero pagtaas ko ng aking kanang kamay, doon ko lang napagtanto na may swerong nakakabit dito.

"Ma, gising na si Sarah!"

Tuluyang nagising ang diwa ko. Inilibot ko ang aking tingin sa paligid. Nasa isang kwarto ako at puro puti ang paligid. Pagtingin ko sa aking harapan ay nandoon sina Mommy, Shin at Aling Norelia. Agad silang pumalibot sa kamang kinahihigaan ko.

"Anak, ayos ka lang ba? Anong nararamdaman mo?" tanong ni Mommy.

"I'm fine. Masakit lang ang katawan ko," sagot ko sa medyo namamaos na boses.

Pinagmasdan ko silang tatlo. Nakabenda ang ulo ni Shin samantalang sina Aling Norelia at Mommy naman ay may mga galos ngunit mukhang nagamot na ang mga ito. Iba na rin ang mga damit na suot nila. Naalala ko ang nangyari doon sa lumang school. Si Shiara...

"Tatawag lang ako ng nurse─"

Pinutol ko ang sasabihin ni Shin. "Huwag na," sabi ko. "Anong nangyari? Paano tayo nakarating sa ospital? Si Shiara? Si Darren at Tito Zach, nasaan sila?" sunod-sunod na tanong ko.

Umupo si Mommy sa kama ko. "Wala na si Shiara, anak. Nagtagumpay tayong matalo siya," sagot niya. "Matapos kang mawalan ng malay, binuhat ka ni Zach at doon tayo lumabas sa kabilang side ng school. Buti na lamang at tama ang hinala ko na may parte ng bakod na hindi sementado at maaaring lusutan ng tao. Tinulungan tayo ng mga tao pagkakita sa atin. Ang dinahilan na lamang namin ay naaksidente tayo doon sa may tulay."

Tumango ako sa paliwanag ni Mommy. Pero may kulang sa sinabi niya. Hindi niya nabanggit si Darren.

"Ma, asan si Darren?" tanong ko.

Nagkatinginan silang tatlo. Bigla akong kinabahan.

"Si Darren─" hindi na naituloy pa ni Shin ang sinasabi niya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Tito Zach.

"Gising ka na rin pala. Halos magkasunod lang pala kayong nagising nitong si Darren," bungad sa akin ni Tito Zach. "Nagpumilit pa siyang pumunta dito," naiiling na saad ni Tito Zach at kasunod niya ay pumasok rin si Darren sa aking silid. Nakasling ang kanyang kanang braso at nakasuot rin siya ng pang-ospital tulad ko. Nagkatinginan kaming dalawa at napangiti ako nang makitang bukod sa kanyang nasaksak na balikat at mga galos ay ayos lang siya.

"Hindi ko na maramdaman ang presensya ni Shiara," napatingin kaming lahat kay Aling Norelia. "Tuluyan na talaga siyang naglaho. Sa ginawa nating pagpuksa sa kanya, parang tinanggal natin ang kadenang gumagapos sa kanya dito sa ating mundo. Sana ay matahimik na ang kanyang kaluluwa."

Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa aming lahat. Isa-isa kong tinitigan ang mga mukha ng aking kasama. May mga galos at sugat man kaming lahat ngunit halata ang pagkaaliwalas ng aming mga itsura.

Maya-maya ay umimik na si Tito Zach. "May mga dumating palang pulis kanina. Hinihingan tayo ng statement sa nangyari sa atin," sabi niya. "Namataan daw nila ang sasakyan ko na nahulog na sa bangin. Buti na lamang at madali na lamang tayo makakagawa ng dahilan. Ako na lamang ang pupunta sa police station ngayon."

Tumayo na si Mommy mula sa pagkakaupo niya sa may kama ko. "Sasabay na ako. Uuwi muna ulit ako sa bahay. Kailangan kong i-check sina mama at papa. Mukhang inatake na naman si mama dahil sa sobrang pag-aalala sa atin," sabi ni Mommy. "Baka dumalaw nga pala dito sa ospital ang mga magulang ni Shiara para alamin ang nangyari. Kokontakin ko na rin sila para maitanong ko kung anong oras."

"Sasama na ako sa'yo, Angeli," sabi ni Aling Norelia.

"Kung ganon, maiwan ka muna dito Shin at bantayan mo sina Sarah at Darren. Babalik agad kami," sabi ni Mommy.

Habang nag-uusap sila sa mga gagawin nila, bigla akong napatingin sa digital clock na nasa may dingding. "Oo nga pala!" sabi ko. Napatingin ang lahat sa akin. Ngumiti ako. "Hindi pa naman ata huli. Merry Christmas," bati ko.

Napangiti rin silang lahat. "Oo nga pala, Pasko pa rin ngayon," sabi ni Mommy. "Maligayang Pasko!"

"Ngayon, talagang masasabi ko nang Merry nga talaga ang Christmas," natatawang saad ni Tito Zach.

Matapos pa ng ilang batian at pagpupulong ay umalis na sina Tito Zach, Mommy at Aling Norelia. Kaming tatlo na lamang nina Shin at Darren ang natira.

Nagpabalik-balik ang tingin ni Shin sa aming dalawa ni Darren at tumikhim. "Lalabas muna ako at bibili ng merienda," sabi niya at kinindatan kaming dalawa ni Darren. "Alam ko namang gusto niyong magsolo." Humalakhak si Shin at lumabas na rin ng silid.

Awkward akong napatingin kay Darren. Nakapahalumbaba siya sa aking kama habang nakatingin sa akin. "Kumusta ka na?" tanong niya.

"Okay lang. Medyo masakit pa ang paa ko pero bukod dun, okay naman ako," sagot ko. "Ikaw? Salamat nga pala sa ginawa mong pagprotekta sa akin. Utang ko sa'yo ang buhay ko."

"I'm fine," sagot ni Darren. "No. We all owe our lives to you. Ikaw ang dahilan kung bakit wala na si Shiara ngayon," sabi niya.

"Hindi rin," sabi ko.

Ipinilig ni Darren ang kanyang ulo at tinitigan ako. Magulo ang kanyang buhok at mapupungay ang kanyang mga mata. Parang kagigising nga lang talaga niya.

"Natatandaan mo pa ba yung tanong ko sa'yo noon sa Christmas Party?" tanong niya.

Bumilis ang tibok nang puso ko nang maalala ko ito. "Bakit?"

"I asked you kung maniniwala ka kapag sinabi kong gusto kita," he said. "But I guess your answer doesn't matter anymore. Nothing will change because..."

Ngumiti sa akin si Darren kasabay ng pagkabog ng puso ko.

"Maniwala ka man o sa hindi, mahal kita."

Hindi ko na napigilan ang pagngiti ko. Nakagat ko ang ibaba kong labi upang pigilan ito pero tila isang sakit na kumalat sa buong sistema ko ang saya dahil sa sinabi ni Darren.

Napatungo ako. "Mahal din kita," pabulong na saad ko. Pakiramdam ko'y pulang-pula na ang mukha ko ngayon.

Hinawakan ni Darren ang kanan kong kamay at pinag-intertwine ang aming mga kamay.

Napangiti ako. Wala na si Shiara. Ligtas kaming lahat. At ngayon, kasama ko pa ang lalaking mahal ko. Marami mang nangyari, marami man kaming panganib na dinaanan, but for me this is the best Christmas ever.

I guess you'll never really reach the peak of happiness without falling deep into the chasm of sorrow. And I think we've reached that peak after a roller coaster ride with death.

And I'm proud to say that everything is worth it.

Pakopya (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon