"May problema ba?" tanong ko sabay tingin sa kanya.
"Problema? Wala naman. Bakit?"
"Kanina mo pa kasi ako tinititigan. May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko sabay hawak sa mukha ko.
Tumawa siya. "Wala. Ang ganda mo kasi. Hindi ko tuloy mapigilang hindi ka titigan." sabi niya.
Agad namang nag-init ang mukha ko kaya napatungo ako para itago ang aking mukha. Alam kong gasgas na ang linyang yun at kalimitan siyang naririnig sa mga pelikula pero... sino bang hindi kikiligin kapag sinabihan ka ng ganun ng boyfriend mo?
Naramdaman kong hinawakan niya ang aking baba at itinaas ang aking ulo. Ramdam ko ang tingin niya sa akin. Pero hindi ko magawang tumingin sa kanya ng diretso. Nahihiya kasi ako.
He pinched my left cheek. "You're really cute specially when you're blushing." bulong niya na sanhi para mas lalo akong mamula.
"Hey look at me." utos niya. "Sarah..." wala akong nagawa kundi ang tingnan siya. Nang magtama ang aming mga mata, pakiramdam ko'y tumalon ang puso ko.
I stared at his handsome face. Napakaswerte ko at nagkaroon ako ng boyfriend na tulad niya.
Unti-unting siyang lumapit sa akin hanggang sa maglapat ang aming mga labi. I thought it's just a peck pero nang lalayo na ako, hinawakan niya ang likod ng ulo ko para mas lumalim pa ang halikan namin.
I closed my eyes and let the sweet feeling wash over me.
"Hoy bawal PDA dito!" bigla akong natauhan nang marinig ang sigaw na iyon. Itinulak ko siya palayo.
"Fck you!" mura ni Max sa sumigaw.
Oh god, oh god, oh god. Did we just kiss in public? Buti na lang walang nakakitang teacher sa amin kung hindi lagot na!
Sa sobrang hiya ko, kinuha ko yung librong binabasa ko at itinakip sa mukha ko. Narinig kong tumawa ang boyfriend kong si Max dahil sa ginawa ko.
"Babe, don't cover your face. Wala ka namang dapat ikahiya." sabi niya.
Unti-unti kong ibinaba ang libro at sinilip siya. Nakahalumbaba siya habang nakatingin sa akin. Then he flashed that boyish smile of his. Namula ako.
Hinampas ko siya ng libro sa braso. "Nakakainis ka!" bulyaw ko.
"Bakit? Anong ginawa ko?" nagtatakang tanong niya habang pilit iniiwasan ang paghampas ko sa kanya.
"Bakit moko hinalikan? Alam mo namang maraming tao dito sa may field! Hindi mo man lang inisip na baka mahuli tayo! At tsaka bakit ba ang gwapo mo! At bakit ba mahal na mahal kita? Nakakainis ka!" sabi ko habang patuloy na hinahampas siya.
Pero natigilan ako ng marealize kung ano ang sinabi ko. Napatingin ako sa kanya. He's grinning like a dog. TInakluban ko ang aking mukha gamit ang dalawa kong kamay. "W-wala akong sinabi. Wala akong sinabi." bulong ko.
He chuckled then I felt his strong arms around me. "You're really one of a kind. You never fail to surprise me with your outbursts. Kaya mahal na mahal kita eh." bulong niya sa may tenga ko.
"Talaga?" nahihiyang tanong ko sabay tingin sa kanya.
"Oo." he answered then kissed my cheek. "I love you Sarah. Very much."
"I love you too, Max." sabi ko habang namumula. Bigla akong tumayo at kinuha yung libro ko. "Kainis ka talaga! Isa kang malaking distraction sa pag-aaral ko!" sabi ko.
Nanatili lang siyang nakaupo sa may damuhan. "Ganyan talaga. It's hard to resist my charms." sabi niya sabay kindat.
"Conceited!" asar ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Pakopya (Published Under Viva Psicom)
HororMalaki ang paniniwala ko na hindi naman masamang mangopya. Pero unti-unting nagbago ang paniniwala kong iyon nang unti-unti ring nabago ang buhay ko dahil sa gawaing akala ko'y tama pero nakakasama pala. Mahilig rin ba kayong mangopya tulad ko? Pwes...