Pakopya 23

18.4K 469 26
                                    

Halos inubos ko lang ang oras ko sa pagtitig kina Darren at Karen na magkatabi at nakaupo sa may bandang unahan imbes na makinig sa sinasabi ng guro. Buti na lang talaga at nag-advance study agad ako kagabi. Hayyy...



So far, wala pa naman akong napapansing kakaiba sa kanila. Si Darren sobrang tahimik as usual samantalang si Karen naman ay nakikipag-usap lang sa mga kaibigan niya. Ni hindi niya nga kinukulit si Darren. Paminsan-minsan ay nag-uusap silang dalawa.



Natapos ang tatlong klase namin at break na. Tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko.



"Sarah, bilisan mo! Gutom na ako." maktol ni Fel.



"Hindi ka ba nagda-diet?" tanong ko.



"Not now. Nagutom ako sa tinuro ni ma'am kanina. Sumakit tuloy ang ulo ko. Bilisan mo na. Nagugutom na talaga ako. Hindi pa ako nag-aalmusal." sabi niya.



"Oo na, ito na nga nagmamadali na." sabi ko. Basta ko na lang inilagay yung mga gamit ko sa bag. Mamaya ko na lang yan aayusin.



"Hihintayin na lang kita sa labas." sabi niya tapos umalis na siya.



Napailing na lang ako at isinara na yung bag ko. Kaya lang dahil sa pagmamadali ko, nahulog yung ballpen ko at gumulong sa kung saan. Hay nako, kung minamalas ka nga naman. G-Tech pa naman yun. Nakakaiyak naman huhu.



"Sayo ba 'to?" napatingin ako sa nagtanong sa akin. Nakangiti si Karen habang inaabot sa akin yung ballpen ko.



"Ha? Ah, oo." sagot ko sabay abot nung ballpen. "Thank you." sabi ko sabay awkward na ngumiti.



Tumango lang siya sa akin tapos lumabas na siya ng classroom. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya.



Mukha naman siyang mabait ah. Baka naman mali lang talaga ang pagkakahusga sa kaniya nila Damie?



***



Papunta na sana ako sa may usual na tambayan namin sa may open field nang makita ko si Jeff sa may bleachers. Nakatulala lang siya sa kawalan. Mukhang may malalim siyang iniisip kaya nilapitan ko siya.



"Hey." bati ko sabay upo sa tabi niya. "Kumusta?" tanong ko.



Bumuntong-hininga siya bago sumagot ng matamlay. "Ayos lang. Ikaw?"

Pakopya (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon