Pakopya 29

16.2K 435 72
                                    

"Hoy tumigil nga kayo. Masyado kayong obvious." suway ko kina Fel at Damie.

Grabe kasi sila kung makatitig kay Karen na nasa kabilang table lang. Sobrang sama ng tingin nila na kulang na lang ay hagisan nila ng bomba si Karen. Tapos lantaran pa ang ginagawa nilang pagtitig. Nakakahiya naman kung may makahalata.

Kaming tatlo lang ang nandito sa tambayan namin. Wala kasi kaming prof ngayon kaya free cut. Pero yung iba may klase pa kaya kami lang ang nandito. Hinihintay na lang namin sila kasi malapit na rin namang mag lunch.

"Paano mo naatim ang pagmumukha ng demonyitang Karen na 'yan?" mataray na saad ni Damie habang sinusundan pa rin ng tingin si Karen na ngayon ay nakatayo at mukhang paalis na.

"Hayaan niyo na lang kasi." sabi ko. Nagsisisi tuloy ako na sinabi ko sa kanila yung ginawa sa akin ni Karen. Ilang araw na rin ang nakakaraan mula noong mangyari iyon. Simula nun, mas lalong sumama ang pagtingin nila Fel kay Karen.

"Anong hayaan? Kung hindi mo nga lang kami pinipigilan baka nasabunutan ko na yang Karen na yan eh. Sumusobra na siya. Ang kapal ng mukha. Hindi naman sa kanya si Darren. Kapal!" iritang saad ni Fel.

"Shhh... Hinaan niyo ang boses niyo." sabi ko.

Halos sabay na napataas ang kilay nina Fel at Damie nang may bumanggang babae kay Karen. Nginitian niya ito at tinulungang pulutin ang mga nahulog nitong gamit. Humingi ng pasensya yung babae at ngumiti ng matamis si Karen sa kanya na tila sinasabing okay lang.

Pero pagkaalis nung babae, bahagyang sumimangot si Karen at umirap bago tuluyang umalis. Napasinghap ang dalawa kong katabi. "Oh my god! Nakita niyo ba? Nakita niyo ba?! Grabe, sobrang plastic! Kung hindi lang makakasama sa planet earth ang pagsusunog ng mga tulad niya, matagal ko na siyang tinusta! Ang sarap hilain ng dry niyang buhok! Jusko, pigilan niyo ko!" nag-aalborotong saad ni Damie.

"Hindi kita pipigilan. Gora lang! Gusto mo tulungan pa kita eh." sabi ni Fel. Napailing na lang ako sa dalawa.

Natigil sa pagplaplano ng kung ano-ano sina Fel at Damie nang dumating sina Ailee at Meryll. Maya-maya pa'y sumunod na rin si Jeff.

"Oh." sabi ni Jeff sabay lapag ng isang lunch box sa harap ni Meryll.

"Ano yan?" kunot-noong tanong ni Meryll.

"Basta. Buksan mo na lang." sagot ni Jeff.

Binuksan nga ni Meryll yung binigay ni Jeff. May pagkain doon. Mukhang home made tapos may nakalagay pang heart dun sa may kanin.

"I-Ikaw ang nagluto nito?" tanong ni Meryll na medyo namumula. Tumango lang si Jeff. Nagsimulang kumain si Meryll at nakatitig lang sa kanya si Jeff the whole time.

Nililigawan na nga pala ni Jeff si Meryll. Nakakatuwa lang kasi palagi silang nag-aaway dati tapos ngayon iba na. Nakikita ko naman na seryoso talaga si Jeff at sa tingin ko ay may gusto rin naman sa kanya si Meryll. Buti nga at hindi na sila nag-aaway ngayon. May mga pagkakataon lang na nagiging awkward sila sa isa't-isa.

"Hindi ka ba kakain?" tanong ni Meryll habang hindi nakatingin kay Jeff.

"Sa pagtitig ko pa lang sayo, nabubusog nako." banat ni Jeff. Lalong namula si Meryll at tumungo. Kinikilig ako shet!

Halatang kinikilig din ang mga kasama ko pero biglang sumimangot si Damie. "Kung si Jeff nabubusog sa pagtitig kay Meryll, tayo walang mapapala sa panonood sa dalawang love birds na yan! Bibili nako ng pagkain kasi nagrereklamo na ang mga butterflies ko sa tiyan." saad niya.

Tumawa kami nila Fel. "Nagugutom na rin kami." saad ni Ailee. "Tara sa canteen."

Tumayo na kami nila Fel, Damie at Ailee. "Diyan muna kayo love birds. Bibili lang kami ng pagkain. Hindi naman kami mabubusog sa kasweetan niyo." sabi ni Fel tapos umalis na kami bago pa makapagreklamo sila Meryll.

***

"Sasabay ka na ba sakin pauwi?" tanong ni Fel.

Umiling ako habang inaayos ang mga gamit ko. "Pupunta pa kasi ako sa library. May hihiramin lang akong mga libro para sa thesis at SIP." sabi ko.

Napasimangot naman si Fel. "Ikaw na ang masipag. Sige, mauna nako. Ingat ka. Bye!" paalam ni Fel.

"Ingat ka rin." sabi ko.

Sinakbit ko na ang backpack ko at lumabas ng classroom. Dumaan muna ako sa locker ko at naglagay ng ilang libro bago dumiretso sa may library.

Pagpasok ko doon, wala akong nakitang ibang tao sa loob maliban sa librarian. Naglog muna ako at nagsimula nang maghanap ng mga libro.

Kelangan ko nang asikasuhin ang thesis at science investigatory project namin. Mahirap nang magcramming lalo na't graduating kami. For sure ngaragan na naman sa sobrang daming gagawin.

And besides, okay lang na medyo mahirapan ako ngayon para sa susunod ay hindi na masyadong haggard at makapagfocus ako sa exams. I need to use all the available time as much as possible. Buti na nga lang at tapos ko na ang biography na requirement sa amin. Ipo-polish ko na lang at konting edit pa then I'm done.

Medyo nahirapan akong maghanap ng mga useful books. Masyado kasing maraming libro dito. Nakakahilo.

Lumabas na ako ng library dala-dala ang mga librong hiniram ko. Actually, you can only borrow one book here in our library. Yun yung policy eh. Pero close kami nung librarian kaya nakahiram ako ng tatlong libro. Medyo mabigat ang mga ito kasi makakapal pero kaya ko naman.

Pwede namang magsearch na lang online. Pero minsan kasi hindi lahat ng impormasyong makikita sa internet ay reliable. I still prefer published books as source kapag nagreresearch ako ng mga bagay-bagay.

Naglakad na ako palabas ng building. Tumingin ako saglit sa relo ko at nakitang past 5 pm na. Mahigit isang oras din ako sa loob ng library.

Nabibigatan nako sa mga dala ko kaya tumigil muna ako saglit para ilagay yung mga libro sa backpack ko.

"Shit naman." napalingon ako doon sa nagsalita at nakita si Karen sa may balkonahe ng fourth floor right wing na katapat noong ginagawang bagong gusali sa pagitan noong dalawang school buildings.

May inaabot siyang puting papel na nasa taas ng kahoy na pinakaframe nung bagong building. Hindi niya maabot kaya naglelean na siya doon sa kahoy na nagsisilbing harang nung ginagawang side ng building namin.

"Anong ginagawa mo? Delikado diyan!" sigaw ko. Off-limits kasi yung area kung nasaan siya. Under construction nga kasi ang both ends ng bawat building dahil sa idadagdag na gusali. Kaya nga pinalipat ng classroom yung ibang estudyante. Tsaka tinibag yun kaya medyo marupok na ang semento.

Siniringan niya lang ako. "Wala kang pakialam. Ang tanga kasi nung papel. Nilipad. Mind your own business. Fuck off."

Itinikom ko na lang ang bibig ko. Grabe, ako na nga yung nagmamalasakit tapos ako pa ang sasabihan niya ng masama. Bahala siya diyan.

Bumalik na ako sa pag-aayos ng bag ko. Pinagkasya ko na lang yung mga libro. Pagkatapos ay binitbit ko na ang backpack ko. Hindi inaasahang napatingin ulit ako kay Karen na pilit pa ring inaabot yung papel. Aalis na sana ako nang may bigla akong mapansin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang isang bulto na nasa likod niya.

Nanlaki ang mata ko nang bigla na lang itinulak ni Shiara si Karen pababa ng building. Sumalpok si Karen sa isang kahoy kaya't naiba ang direksyon ng kanyang pagkahulog. Dire-diretso siya pababa at nanlaki ang mga mata ko nang sakto siyang bumagsak sa isang nakausling bakal at tumagos ito sa katawan niya.

Napatulala lang ako doon habang nakatingin kay Karen. Nanginginig ang katawan ko. Maya-maya pa'y umihip ang malakas na hangin at may lumipad na papel sa harapan ko.

Napatingin ako dito at nakitang application paper ito ni Karen. Mukhang ito ang inaabot niya kanina. Umihip ulit ang malakas na hangin kaya bahagyang natupi ang papel at nalantad sa akin ang ilang pulang marka. Binaliktad ko yung papel at namutla ako sa nabasa ko.

Hindi lamang basta pulang ink ang ipinangsulat dito kung hindi dugo. Napatingin ulit ako sa taas at nakitang wala na doon si Shiara. Muli kong sinulyapan ang hawak-hawak ko at binasa ang nakasulat doon.

Revenge.

Pakopya (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon