Pakopya 3

41.6K 1K 119
                                    

"Mom, mom! Are you okay?" nag-aalang tanong ng mga anak ko.

Kumurap ako ng ilang beses at sa muling pagmulat ko ng aking mga mata, wala na ang bulto ni Shiara sa ilalim ng puno. Tanging mga dahon na lamang na tinatangay ng hangin ang makikita.

Napakislot ako ng maramdaman ang mainit na kamay ng aking anak na dumampi sa aking braso. "Mom, you're so pale. Are you not feeling well?" tanong ni Sarah.

"O-okay lang ako." sagot ko. Kinuha ko ang pitsel na nasa lamesa. Muntik ko na nga itong mabitawan dahil sa sobrang panginginig ng aking kamay. Nagsalin ako ng juice sa isang baso at ininom ito ng dirediretso. Pakiramdam ko'y may kung anong nakabara sa aking lalamunan.

Umupo ako sa isang silya doon at humarap sa aking mga anak. "Hindi ba't ilang beses ko na kayong sinabihan na wag kayong tatanggap ng kung ano-ano sa mga taong hindi niyo kilala?" galit na saad ko.

"Pero mom, mukha naman pong mabait yung lolang nagbigay sa amin niyan." depensa ni Shin.

"Hindi pa rin yun---" natigilan ako sandali. "Anong sabi mo? L-lola?" nagtatakang tanong ko.

"Opo. Ayun po siya oh, yung tinuro ni Sarah kanina." sabi ni Shin. Napatingin ulit ako sa direksyong tinuro nila.

Isang matandang babae ang nagkakalkal ng basurahan malapit doon sa puno kung saan ko nakita si Shiara.

Biglang tumakbo sina Shin at Sarah malapit sa bakod na nagsisilbing harang ng garden namin tapos sumigaw sila. "Lola! Lola!" tawag nila. Napalingon sa amin yung matanda. Nang makita niya kung sino ang tumatawag, dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa amin.

"Bakit?" tanong ng matanda. Tumingin sa akin sina Shin at Sarah na tila ba sinasabi na ako ang makipag-usap sa kanya.

Lumapit ako sa kanila. Tinitigan ko muna ng ilang sandali yung matandang babae bago nagsalita. "Kayo po ba ang nagbigay ng notebook na 'to sa mga anak ko?" tanong ko sabay taas ng notebook na hawak ko.

"Ah yan ba? Oo, ako nga. Nakita ko kasi silang nag-aaway dito kanina kaya ibinigay ko yan sa kanila tutal naman mukhang nag-aaral silang dalawa. Hindi rin naman ako marunong magbasa o kaya'y magsulat kaya hindi ko kailangan ng... ano ngang tinawag mo diyan? Notbuk?" paliwanag niya.

"Saan niyo po ba 'to nakuha?" tanong ko.

"Napulot ko lang 'yan. Wag kang mag-alala, hindi ko yan kinuha sa basurahan kaya siguro naman malinis yan." sabi niya. "O siya, aalis na ako. Kelangan ko pang maghanap ng pagkain para sa mga apo ko." sabi niya.

Paalis na sana siya pero pinigilan ko. Ibinigay ko na lang yung mga pancake na niluto ko. Nagpasalamat siya at tuluyan nang umalis.

"Mom, why did you give it to her? Paano na kami?" maktol ni Sarah.

"Lulutuan ko na lang kayo ng bago. Sige na, umupo na ulit kayo dun at gawin ang mga assignments niyo. Sa susunod, wag na kayong makikipag-usap o tatanggap ng kung ano sa kung sino-sino lalo na dun sa mga hindi niyo kilala." sabi ko.

Magrereklamo pa sana sila pero sinaway ko sila kaya wala silang nagawa kundi ang bumalik doon sa may lamesa at umupo. Tiningnan ko yung notebook na hawak ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Ito mismo yung notebook na hiniram ko kay Shiara noon. Itinapon ko na ito matagal na panahon na ang nakararaan bago pa ako mag-asawa at lumipat ng tirahan.

Sabi nung matanda, napulot niya lang raw 'to. Ang ipinagtataka ko, ilang taon na ang nakararaan pero mukha pa ring bago yung notebook. Ni wala ngang bakas ng dumi. Kung ano yung itsura niya nang hiniram ko siya noon, ganun pa rin ang itsura niya hanggang ngayon. Pati yung mga nakasulat, ganun pa din. Ni hindi man lang nagfade yung tinta ng ballpen.

Binuklat ko ulit ito at binasa. Napatigil ako sa isang pahina at gulat na napatitig dito. Tumakbo ako papunta sa mga anak ko at kinuha yung mga sinasagutan nila. Tumingin ulit ako sa notebook at nagulat nang makitang nakasulat dito lahat ng sagot.

Natulala ako. Tinatawag ako ng mga anak ko at tinatanong kung ano raw ang nangyayari pero hindi ko sila pinapansin. Imposibleng nagkataon lang na nakasulat ito rito. Ang notebook na ito ay ginamit namin nung fourth year highschool kami. Hindi naman pwedeng nakasulat dito yung sagot sa mga tanong na pang grade three.

"Pumasok na kayo sa loob." bulong ko habang nakatingin pa rin sa may puno.

"Pero mom---"

"Dalhin niyo ang mga gamit niyo at pumasok na kayo sa loob. Doon niyo na ipagpatuloy ang pagsasagot." utos ko.

Magrereklamo pa sana sila kaya lang sinuway ko. Wala silang nagawa kundi ang likumin ang mga gamit nila at dalhin ito papasok ng bahay.

Ilang sandali pa akong nanatili sa kinatatayuan ko. Isang malakas na ihip ng hangin ang nagpabalik sa akin sa aking wisyo. Tiningnan ko yung notebook na hawak ko. Napailing ako. Napaparanoid lang siguro ako. Kung ano-ano na naman ang naiimagine ko. Siguro namimiss ko lang si Shiara. Tama, yun lang yun. Lumapit ako sa isang basurahan at inihagis doon ang notebook bago tuluyang pumasok sa loob.

***

Angeli...

Tila may sariling utak ang aking katawan. Kusa itong gumalaw upang sundan ang pinanggalingan ng boses na paulit-ulit na tumatawag sa aking pangalan.

Angeli...

Natagpuan ko na lamang ang aking sarili sa aking dating paaralan. Nandito ako ngayon sa classroom namin. Walang tao. Maliban sa isang babaeng nakaupo sa isang silyang naroon at nakatalikod sa akin.

Angeli...

Tinawag niya ulit ako. Ang boses na yun... Kusang gumalaw ang aking mga paa at humakbang papalapit sa kanya. Tumigil ako malapit sa kinauupuan niya.

"Ang gusto ko lang naman ay tulungan ang mga taong tulad mo... gusto ko silang pakopyahin." narinig kong bulong niya. Tapos bigla siyang tumawa.

Ngunit ang mga tawang iyon ay napalitan ng hagulhol. "Pero bakit... bakit ganito ang kinasadlakan ko?" tanong niya.

Paulit-ulit niyang itinanong iyon. Nanatili lang akong nakatayo roon habang nakatingin sa kanya. Tapos unti-unti siyang lumingon.

Ang kanyang mga labi ay hiwa sa gitna at may lubid na nakapulupot sa kanyang leeg. Ngumiti siya sa akin habang lumuluha ng... dugo.

Ibinuka ko ang aking bibig upang sumigaw pero walang boses na lumabas sa aking bibig.

Tumawa ng malakas si Shiara. Tumayo siya at lumapit sa akin.

Hinawakan niya ang aking mukha. "Hello, Angeli."

Unti-unting nagdilim ang aking paningin. Narinig ko pang tumawa si Shiara bago ako tuluyang nawalan ng malay.

Pakopya (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon