Pakopya 4

43K 961 238
                                    

Napabalikwas ako ng bangon. Nakatulog pala ako sa sofa. Siguro dahil sa sobrang pagod. Kakatapos ko lang kasing mag-linis ng buong bahay.

Napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang bilis ng tibok ng aking puso. Pinunasan ko ang pawis sa aking noo. Yung kay Shiara... parang totoo. Pero panaginip lang yun. Panaginip lang.

Pero hindi ko pa rin mapigilang hindi malungkot and at the same time matakot sa sinabi niya. Gusto niya raw makatulong. Nagsisisi ba siya sa ginawa niyang pagkitil sa sarili niyang buhay?

Ipinikit ko ang aking mga mata. Biglang rumihistro ang mukha niya sa panaginip ko. Napamulat ako agad at napailing. Ayoko nang isipin pa yun. Kinikilabutan lang ako.

Biglang tumunog ang telepono. Tumayo ako at sinagot ito. "Hello?"

"Hello? Pwede po ba kay Mrs. Angeli de Jesus?" tanong ng nasa kabilang linya.

"Ako po yun. Bakit?" tanong ko.

"This is Mr. Guzman, principal of Angels' Academy." napakunot ang noo ko nang marinig ang pangalan ng paaralang pinapasukan ng aking mga anak.

"May problema po ba?" nag-aalalang tanong ko.

"I have something to discuss with you regarding your children."

***

"Nangopya?" hindi makapaniwalang tanong ko sa principal na kaharap ko ngayon. "Imposible naman po yang inaakusa niyo sa mga anak ko. Pinalaki ko sila ng maayos. Kilala ko sila. Hindi nila gawain 'yon!"

"Relax misis. Hindi naman po namin kinikwestiyon ang pagpapalaki niyo sa mga anak niyo. Ang amin lang po, masama po ang ginawa nilang pangongopya." sabi niya. Akma akong tututol pero inunahan na niya ako sa pagsasalita. "We have a proof so you don't have any hold against us."

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. "Proof?"

"Opo. Siguro naman aware na kayo na may CCTV na nakalagay sa buong school maliban sa ilang piling lugar tulad ng restrooms." paliwanag niya. "At kitang-kita sa camera ang ginawa ng mga anak niyo." sabi niya.

May kinuha siyang remote galing sa drawer ng kanyang desk tapos inikot niya ang kanyang swivel chair upang humarap sa flat screen tv na nasa likod niya. Pagka-on niya nito, tumambad sa amin ang classroom na may mga estudyanteng nag-eexam. Hinanap agad ng aking mga mata ang aking mga anak. Magkalapit lang ang kanilang mga upuan. Nasa may bandang likod sila ng classroom.

Tahimik namin itong pinanood. Maayos naman silang nagsasagot pero mamaya-maya pa'y nakita kong may kinuha si Shin na isang notebook. Hindi ko alam kung anong ginawa niya kasi natatakluban ng folder. Maya-maya'y pasimple niya itong iniabot sa kanyang kakambal na si Sarah.

Then it finally hit me. Nangopya sila ng sagot sa notebook na yun. Tinitigan kong maigi yung tv. Napasinghap ako. Yung notebook... kahawig nung... pero imposible. Itinapon ko na ang notebook na yun.

Ibinalik ko ang aking pansin sa panonood. Patuloy sa kanilang ginagawa ang mga bata. Ni hindi man lang nila napapansin ang ginagawa ng aking mga anak.

Napatingin ako kina Shin at Sarah na nakaupo sa aking harapan habang nakatungo. Hindi ako makapaniwalang nagawa nila ang bagay na ito.

Tumingin muli ako sa tv. Nakatulala lang ako habang pinapanood ito. Pero parang may kung anong nahagip ang aking mga mata. Medyo lumapit pa ako para makita kong mabuti.

Hindi ako pwedeng magkamali. May nakita akong silhouette ng isang babae na nakatayo sa pagitan ng aking mga anak at tila ba pinapanood sila.

Unti-unting lumingon ang babae at tumingin sa gawi ng camera. Napatakip ako ng bibig nang makita ang kaniyang mukha.

Pakopya (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon