Kalagitnaan na ng gabi nang maalimpungatan ako. Sinubukan kong bumalik ulit sa pagtulog pero hindi ko magawa dahil sa pagkalam ng aking sikmura. Tsaka ko lang naalala na hindi pa pala ako kumakain ng hapunan.
Dahil na rin siguro sa pagod sa byahe, maaga akong nakatulog kanina. Tinanggal ko ang nakapulupot na kumot sa akin at dahan-dahang tumayo. Inaantok pa talaga ako pero hindi rin naman ako makakatulog nang maayos kung ganitong nagugutom ako.
Wala sa sariling bumaba ako at pumunta sa kusina. Naghanap ako ng tirang pagkain pero wala akong makita. Kumuha na lang ako ng cup noodles para naman magkalaman ang tiyan ko. Naghihikab pa ako habang nilalagyan ito ng mainit na tubig.
Umupo ako at pumikit habang hinihintay na maluto yung noodles. Maya-maya'y bigla akong napamulat nang marinig ko ang paghila ng isa pang upuan na nasa harapan ko.
"Bakit gising ka pa? Pasado alas-dose na ng gabi ah."
Medyo nagproproseso pa sa utak ko kung sino ang kausap ko. Kumurap-kurap pa ako ng ilang beses. Si Darren pala. "Nagugutom ako." sagot ko at naghikab ulit. "Ikaw, bakit gising ka pa?"
"I can't sleep." sagot niya.
Tumango lang ako at muling pumikit. Antok na antok pa talaga ako.
"Luto na ata yung pagkain mo." narinig kong sabi ni Darren matapos ang ilang minuto.
Bumuntong-hininga ako at kinuha yung noodles na nasa harapan ko. Mukhang luto na naman kaya sinimulan ko nang kainin. Sunod-sunod lang ako sa pagsubo kahit mainit. Napatigil lang ako nang mapansin kong nakatitig sa akin si Darren habang nakapangalumbaba.
"Uhm... gusto mo bang kumain?" tanong ko sa kanya.
Umiling siya habang nakatingin pa rin sa akin. Ano bang meron? Siguro sabog ang itsura ko dahil kakagising ko lang kaya ganyan siya makatingin. Binilisan ko na lang ang pagkain tapos inayos ko ang pinagkainan ko habang si Darren naman ay nakita kong umiinom ng tubig.
"Good night na. Tutulog na ulit ako." sabi ko sa kanya at naglakad na palabas ng kusina. Sumunod naman si Darren sa akin.
Magkakatabi lang ang kwarto namin. Guest room sa kaliwa ng kwarto ko kung saan nagstastay si Darren at kwarto naman ni Shin sa kanan. Ang kwarto ni mommy ay katabi nung kay Shin tapos sa baba yung kina lolo at lola. Buti na lang maraming kwarto dito sa bahay kaya may matutulugan pa rin sina Tito Zach at Aling Norelia.
Hinihilot ko ang sentido ko habang pumapanhik kami ng hagdan. Medyo sumasakit ang ulo ko. Minsan talaga nangyayari 'to kapag kulang ako sa tulog.
Papasok na sana ako ng kwarto nang tawagin ako ni Darren. "Sarah."
Nilingon ko siya. "Bakit?"
Medyo matagal siya bago ulit nagsalita. "Si Shiara ka ba?" tanong niya.
Napakunot-noo ako. Hindi ko makita nang maayos ang mukha ni Darren dahil walang ilaw kaya hindi ko masabi kung pinagtritripan niya lang ako o ano. "Ano ba namang klaseng tanong yan. Syempre hindi. Bakit ba?"
"Because you're scaring me." sagot niya.
"Hala." gulat na saad ko. "Tinatakot ba kita? Bakit? Paano? May ginawa ba akong masama?" sunod-sunod na tanong ko habang pilit na iniisip kung may ginawa ba akong kalokohan kay Darren.
"I'm scared of what you're making me feel." mahinang sagot niya. "Mali pala. I think I'm scared of what I'm feeling for you." sabi niya at napamura. "Dammit, huwag na nga. Kalimutan mo na lang ang sinabi ko. Nababaliw na ako."
Narinig ko na lang ang pagbukas at pagsarado ng pintuan ng kwarto ni Darren habang nakatulala lang ako doon. Nawala ang antok at pagsakit ng aking ulo kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Pakopya (Published Under Viva Psicom)
HorrorMalaki ang paniniwala ko na hindi naman masamang mangopya. Pero unti-unting nagbago ang paniniwala kong iyon nang unti-unti ring nabago ang buhay ko dahil sa gawaing akala ko'y tama pero nakakasama pala. Mahilig rin ba kayong mangopya tulad ko? Pwes...