Pakopya 18

19.2K 470 37
                                    

"Saan ka ba nanggaling ha?" tanong ni Fel.

"Ano kasi—-"

"Hindi mo ba alam na halos mabaliw na kami sa kakahanap sayo kagabi? Kulang na lang magpatawag kami ng pulis para mahanap ka." putol niya sa sasabihin ko.

"Kasi—-"

"Kung saan-saan ka namin hinanap. Tapos hindi ka pa namin macontact kasi cannot be reached yang cellphone mo. Yung kapatid mo hindi rin ata nakatulog kagabi sa pag-aalala sayo. Ano bang pinaggagagawa mo kagabi?" sermon ni Fel sa akin.

"Ganito kasi yun—-"

"Ang sabi mo mamimili ka lang ng souvenir. Eh bakit hindi ka na umuwi? Saang lupalop ka ba ng mundo nagpunta? Sa kabilang parte lang naman ng resort ang bilihan ng mga souvenirs ah?"

"Fel—-"

"At oo nga pala! Bakit magkasama kayo ni Darren bumalik dito sa resort? Magkasama ba kayo kagabi? Anong ginawa niyo? Nagdate?" huminto siya sandali tapos nanlaki ang mata niya sabay singhap. "Oh my effin god. Don't tell me..."

"Hoy Felicia. Kung ano man yang iniisip mong kabaliwan itigil mo na yan. Walang nangyari sa amin ni Darren, okay? At tsaka hindi kami nagdate!" pagtanggi ko.

Naningkit naman ang mga mata niya. "Kung hindi kayo nagdate, anong ginawa niyo kagabi at bakit kayo magkasama?"

"Nagkataon lang na nagkita kami kaya napagpasyahan na naming magsabay pabalik dito sa resort tutal naman hapon na. Kaya lang naligaw kami." pagsisinungaling ko. Nakita ko sa sulok ng aking mata na napatingin sa akin si Darren na nakaupo sa may buhanginan at may earphones na nakasalpak sa tenga. Akala ko hindi siya nakikinig.

Napakunot-noo naman si Fel. "Naligaw kayo?"

"Oo. Hindi naman kasi namin kabisado ang pasikot-sikot dito sa resort mo. Niyayaya nga kita kahapon kaya lang hindi mo naman ako sinamahan. Yan tuloy, naligaw ako." pangongonsensya ko pa sa kanya.

Lumapit sa akin si Fel at niyakap ako. "Sorry na, Sarah. Hindi ko naman alam na maliligaw ka eh. Pero buti na lang kasama mo itong si Darren. At least alam kong safe ka kagabi. Naku, ang dami pa namang nagkalat na sira ulo dito sa resort lalo na pag gabi." sabi niya sabay iling.

Ngumiti na lang ako sa kanya. Kung alam lang sana niya ang totoong nangyari sa akin kagabi. Napabuntong-hininga na lamang ako.

"Okay guys, since nandito na si Sarah at Darren at okay naman pala sila, let's continue having fun! Last day na natin ito sa resort kaya mag-enjoy na tayo!" sigaw ni Fel. Naghiyawan naman yung mga kasama namin.

May mga ilang lumapit sa akin at kinamusta ako. Maraming nagtanong kung ano raw ba ang nangyari sa akin... sa amin ni Darren to be exact. Katulad lang rin ng sinabi ko kay Fel ang mga naging sagot ko sa kanila.

Nang mapagod ako sa pakikipag-usap kung kani-kanino, naglakad na lang ako sa may dalampasigan. Hinayaan kong mabasa ng alon ang aking mga paa.

"Bakit hindi mo sinabi ang totoo sa kanila?"

Buti na lang talaga wala akong sakit sa puso dahil kung hindi inatake na siguro ako ngayon. "Ano ka ba naman Darren. Bigla-bigla ka na lang sumusulpot." saad ko.

"Bakit hindi mo sinabi ang totoo sa kanila?" pag-uulit niya sa tanong niya.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa dagat. "Naisip ko kasi na... siguro mas makakabuting huwag na lang nila malaman ang nangyari para makaiwas na rin sa gulo." paliwanag ko.

"Bakit?" tanong niya.

"Sigurado kasing mag-aalala sila Fel kapag nalaman nilang muntikan na akong... alam mo na. Ayaw kong mag-alala pa sila. Kaya nga tayo nandito sa resort diba. Para mag-enjoy." sabi ko. "Kaya huwag mong sasabihin kahit kanino yung nangyari, ha?"

Pakopya (Published Under Viva Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon